Ken Chan thankful for out-of-the-box roles given by GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan grateful to his old show, Destiny Rose: "Naging part na siya ng puso ko. At ito yung nagbigay sa akin ng mga doors pati windows pa nga para magkaroon ng magandang estado dito sa industriya natin."



Hindi naman daw masasabing nabakante nang matagal sa trabaho si Ken Chan dahil sa kanyang maingat na pagtanggap ng mga roles sa isang proyekto.

Kuwento ng 25-year-old Kapuso star, “Hindi po nahirapan yung GMA na bigyan ako ng role.

“Talagang pinag-iingatan po nila yung mga roles na ibibigay sa akin.

“At kahit na… hindi naman po masyadong matagal, from Destiny Rose, 2015, Meant to Be, 2017, The Cure, 2018, then this My Special Tatay, 2018, napakasuwerte ko po na binigyan po ako ng GMA Network ng napakagandang projects po.

“At napakasuwerte ko na yung mga projects na ibinigay sa akin ay nagustuhan ng mga tao.

“Laging challenging roles, laging kakaibang characters, laging out-of-the-box ang binibigay sa akin ng GMA kaya po sobrang happy po ako.”

Pagkatapos ng pinagbibidahan niyang Destiny Rose noong 2015, sinabi noon ng aktor na hindi muna siya tatanggap ng role tungkol sa mga bakla dahil baka ma-type cast siya nito.

Ngayong tatay naman ang gagampanan niya sa My Special Tatay, hindi ba siya nagdadalawang isip na baka ma-typecast na naman siya sa mga ganitong klaseng karakter?

Tugon ni Ken, “Ok lang po yun. Kahit ano po klaseng role na ma-typecast ako walang problema sa akin basta magandang istorya.

“Ipinapalabas sa Thailand [ngayon ang Destiny Rose], talagang nandiyan pa rin siya.

“For me, hindi ko makakalimutan si Destiny Rose, nasa puso ko na si Destiny Rose.

“Naging part na siya ng puso ko. At ito yung nagbigay sa akin ng mga doors pati windows pa nga para magkaroon ng magandang estado dito sa industriya natin.

“Hindi ako natatakot na mabigyan ng mga kakaibang roles, gusto ko pa nga yun, e, na matsa-challenge ako.”

Ngayong hapon na, September 3, sa GMA Afternoon Prime magsisimula ang My Special Tatay.



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN