Inah de Belen finds it awkward working with her Tita Gelli de Belen

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen (right) gets to be directed by Laurice Guillen, her mom Janice de Belen's co-star in Flordeluna.



Pagkatapos mag-fantaserye sa Encantadia, balik-drama si Inah de Belen sa pamamagitan ng bagong afternoon series na Ika-5 Utos. 

Saad niya, "Balik-drama ako ulit, medyo siyempre nakakapanibago.

"Although familiar naman sa akin ang mga nakakasama ko, aside from si Ms. Valerie Concepcion, si Ms. Jean Garcia, yung Tita ko, lalo na, then si Mr. Tonton Gutierrez, never ko pa silang nakatrabaho. 

"Pero sina Jeric [Gonzales], Klea [Pineda], Jake [Vargas], familiar naman sila so, in a way, medyo iba lang ang adjustment.”"

Ang Tita na tinutukoy ni Inah ay ang nagbabalik-Kapuso na si Gelli de Belen.

Matagal na raw niyang kakilala ang direktor nilang si Laurice Guillen, pero ngayon lang niya ito makakatrabaho.

"Siyempre nakakakaba," pag-amin niya.

Ang mommy ni Inah na si Janice de Belen ay hindi lang naging direktor si Laurice, madalas din nitong nakakasama bilang co-star. Nagsimula pa noong bata si Janice sa soap operang Flordeluna.

May mga tip ba sa kanya ang mommy niya tungkol kay Direk Laurice?

"Oo, actually!" natawang sabi ni Inah.

"Sabi naman niya, 'Mag-concentrate ka lang.'

"Kahit naman si Tita Gelli, pinapayuhan din niya ako na 'Concentrate, do your job.'

"Actually, sa lahat naman ng mga naging projects ko, yun naman ang sinasabi nila."

Pero kung sakali man maging istrikto sa kanila ang direktor, naiintindihan niya raw ito.

"Naiintindihan ko si Direk Laurice," pakli ni Inah.

"It's not because she just want to mock you or something. Siyempre, she wants to bring out the best in us. 

"Kung nakikita niya talaga na may something ka pa, kaya mong ilabas, ilabas mo siya.

"And that's what I appreciate about her talaga."

Dagdag niya, "Ako rin kasi, I’m the type of person na alam kong may mahuhugot pa ako.

"Pero hindi ko lang nailalabas, hindi ko alam kung bakit.

"Pero with Direk Laurice, I'm sure you heard it said a lot of times, with the help of the director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero totoo naman talaga, she would really help you.

"She will really push you and I feel, as an actor, I can't be just like this lang.

"I have to keep on improving and it’s a learning experience, so sobrang grateful ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa mediacon ng Ika-5 Utos, na papalit sa Contessa, at magsisimula na sa September 10.

WORKING WITH FAMILY

Nang makausap ng PEP.ph ang kanyang Tita Gelli, nasabi nitong naramdaman niyang may pagka-asiwa pa si Inah na kaeksena ito. Nakita rin ni Gelli na nahihiya pa ang pamangkin.

Natatawa namang paliwanag ni Inah, "Siyempre kasi, Tita ko siya!

"'Tapos, anak pa niya rito si Jake. Good luck sa kanya [Jake]!

“Kasi ang unang eksena na ginawa ko, silang dalawa ang kaeksena ko.

"E, si Direk Laurice pa ang director, so parang lahat ng feeling na kinakabahan ako, eto na yun."

Hindi pa raw talaga sanay si Inah na kaeksena ang kanyang mga kamag-anak.

"Parang ako, 'Kaya ko to, kaya ko. Siyempre, nakakakaba talaga. 

"And hindi ko maiaalis yun dahil siyempre, Tita ko siya.

"I grew up with her.

"But looking back, nakaeksena ko ang nanay ko, Dear Uge, light pa yun, ha, kinakabahan pa rin ako.

"Pero dito naman, on hindsight, kinu-compare ko, mas kaya ko siyang kaeksena kesa sa mom ko or, let's see, kesa sa nanay ko at tatay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN