Diego Loyzaga reacts to those comparing him to Jake Cuenca

Diego Loyzaga says 80% of their scenes in Los Bastardos might be topless scenes. 


Kitang-kita ang laki nang iginanda ng katawan ni Diego Loyzaga. Naghanda siya talaga para sa bagong nilang teleserye sa ABS-CBN na Los Bastardos.

“Kailangan kong humabol dahil siyempre, nakakahiya naman kina Jake Cuenca, di ba? Kinailangan ko talaga. Si Jake pa naman...” saad ni Diego.

Bukod sa pagdyi-gym, naging health junkie na rin siya at naging conscious din sa kinakain niya. Matagal na rin niyang hinahanda ang katawan, pero tumigil lang siya noong Pusong Ligaw dahil hindi kasi required sa role niya.

Unlike ngayon, pakiramdam daw niya na baka 80% ng mga scenes ay naka-topless daw sila.

Pansin ng karamihan, para na siyang si Jake. Pati katawan at aura nila, parang iisa na rin na may pagka-bad boy image ang dating.

“Talaga? Salamat, I appreciate that. Idol ko si Jake,” pag-amin niya.

Hindi naman daw niya sinasadya na gayahin si Jake kung yun ang nakikita sa kanya ngayon.

“Meron din bad boy image si Jake, di ba? Ako, kahit hindi ko naman sinasadya, meron din akong bad boy image. Whether I like it or not, ganun na ang tingin ng tao sa akin, so panindigan ko na lang, maging bad boy na talaga ko.

“Pero siyempre, not being rude, nandoon pa rin ang pagiging gentleman ko. Pero kung bad boy-bad boy image sa mata ng tao, nandoon ang character ng bad boy pero tingnan natin kung bad boy ba talaga ko.”

Dugtong pa niya, “Bago rin kasi ito, sakto lang, may nagtanong sa akin, sabi niya, huling dalawang teleserye mo, boy-next-door ka sa Pangako Sa ‘Yo, yung Pusong Ligaw, mahirap ka. Dito naman, bad boy ka. So, completely different characters.

“Sabi ko, oo nga ‘no, ngayon ko lang naisip. Let’s see how it is with bad boy role. Actually, medyo nai-imbibe ko na nga. Kapag tumitingin yung mga tao, hindi ako ngumingiti. Nag-i-start na kami, so better in character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, of course, a lot of people would say that’s wrong, mali naman talaga. But it’s easier, mas madali lang talaga. Nag-iisip tuloy ako ng ways para ibahin ang ugali ko, character ko.”

Sabi namin kay Diego, dahil na rin sa pagiging controversial niya lately sa social media, mas madali siyang magkaroon ng imahe bilang bad boy ngayon.

Nandiyan yung sa Grab incident at maging yung nag-viral na pagputol niya ng puno. Pero sabi nga ni Diego, yung sa Grab kung may damages daw talaga siyang ginawa, siguro raw ay nagka-kaso na siya.

“Pero yun nga, pinangunahan ng lahat ng tao,” saad niya.

“Kung may mali ako, sasabihin ko kung may mali ako. But that’s how people wanna see me. Then, I can be the bad guy if you want me to. Wala naman talagang nangyari, pero lahat ng tao, dyinudge na ko agad. Hinusgahan pa nanay ko [Teresa Loyzaga].

“What can I do about it?”

Nilinaw rin ni Diego yung tungkol sa nag-viral na nagsisibak siya ng kahoy at may mga environmentalists na nag-react.

Sabi nga niya, “Yung nagsisibak ako ng kahoy, sa bahay namin. Sa likod ng bahay namin sa Antipolo.

“Ito lang, para magka-unawaan tayo, nag-post ako na nagtanim ako ng benteng puno, pero nagsibak ako ng isang patay na puno. Lahat ng attention, saan napunta? Sa positive or sa negative?

“Sa negative.

“Isa pang example, isang positive na nangyari sa buhay ko, nanalo ako ng VIOS cap, isang pangarap yun sa buong-buhay ko mula noong bata ako, pangarap kong maging ganun, so nanalo ko run, did anyone reacted the same way when there’s bad news?

“Hindi, e…” lahad niya.

Pero wala raw siyang magagawa dahil ito ang realidad sa social media. Mas interesado ang mga netizen sa negatibo kesa sa positibo.

“Ang hilig nating mag-point-out ng mga mali ng mga ibang tao kesa purihin sila sa mga tama nilang nagawa. I guess, boring ang mga ginagawa nila. Hindi magiging news kapag tama or positive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabing tanggap na rin niya ang ganitong sistema sa social media?

“Oo, ilang beses na rin akong sinabihan na ‘wag na lang magsalita.”

Pero natatawang sabi niya, “Natawa talaga ko dun sa kahoy.

“Magkasunod na post, pero walang nag-react. Dito, ang daming nag-react. Mapapa-isip ka, bakit kaya? So gustuhin ko man o hindi, I’m the bad guy.”

Para na rin niyang sinasabi na ine-emrace o niyayakap na niya ang bad boy image?

“I’m not agreeing that I am, I don’t think I am naman,” saad niya.

“I’ve seen bad people but the look, if it’s gonna help my career, my career path, kung mala-Jake Cuenca bad boy, yes, why not.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diego sa premiere night ng Petmalu na kasalukuyang palabas na sa mga sinehan.

Ipinagmamalaki ni Diego ang pelikula nilang ito na dinirek ni Joven Tan.

Ayon kay Diego, “I love it.

“You know what, I really didn’t know how Direk Joven put everything together. I really didn’t know how he was but I was so happy how it turned out, I was so happy.

“Actually, first indie ko ‘to.”

Sabi pa niya, “Hindi ko pa naranasan, nasanay na ko sa mainstream way of shooting a film. I mean, Direk changes things. Pagkatapos kong mag-memorize ng lines, biglang may babaguhin siya, hala.

“Paano ‘to? Ano kaya ang kalalabasan? But I like the film. Roller-coaster siya ng emotion, e. Tatatas-bababa, happy ka, iiyak ka. I really like the movie."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN