Gelli de Belen: "Kapuso ulit ako for now, sana matagal-tagal."

IMAGE Noel Orsal


Balik Kapuso ang aktres na si Gelli de Belen sa pamamagitan ng bagong afternoon prime na Ika-5 Utos na magsisimula ng mapanood sa September 10 bilang kapalit ng Contessa.

Makikita naman kay Gelli na masaya ito ngayon na Kapusong muli sa ginanap na mediacon ng Ika-5 Utos na ginanap sa GMA Network building.

Ayon kay Gelli, “Siyempre masaya, very exciting, it’s really so nice to be back. Parang ang tagal din ng SIS na pinagdaanan namin dito, di ba? Kaya pagbalik ko, wow, familiar faces, ang warm ng welcome.

“So talagang masaya ko na nandito ko ngayon.

“Tapos, exciting pa itong show na pinasok ko.”

Natatawang dagdag niya, “Nakaka-tense lang din naman dahil nga may pinanggagalingan. But nevertheless, it’s so nice for me to be back here.

“Kapuso ulit ako for now, sana matagal-tagal. Sana. Tingnan natin. Pero, I’m just really thankful to be back and for welcoming me.”

May walong taon siyang nawala bilang isang Kapuso. Limang taon siya sa TV5 at tatlong taon naman sa ABS-CBN.

“Kung saan may work,” sabi nga ng aktres.

“Noong dumating ‘to, it’s a good chance na bumalik. Eh, ‘di bumalik, go, go, go.”

Ang Ika-5 Utos ang naging daan sa pagbabalik niya sa GMA-7. Nagulat din daw siya na malaking teleserye kaagad ang gagawin niya.

“Noong sinabi nila na Ika-5 Utos, oh my gosh! Yun agad? Hala! Kaya ba namin ‘to? Tapos sinabi nga, si Jean [Garcia] kasama, si Val [Valerie Concepcion] and at that time, wala pa yung ibang lalaki, e.

“Pero si Inah [de Belen] at si Jake [Vargas] yata nandodoon na.”

Hindi ito ang unang beses na maka-trabaho ni Gelli si Direk Laurice Guillen.

Kuwento niya, “Alam niyo, noong bata ako, si Janice [de Belen] kasi palagi, di ba? Siya si Tita Jo [Laurice sa Flordeluna]. Trivia lang, ang very first movie na ginawa ko, si Tita Laurice ang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang acting involved. Naglakad lang ako. I was four years old, flower girl lang kami ni Janice. So, it’s not my first time working with Direk Laurice Guillen.”

Ang pamagat ng pelikula raw ay Kasal.

Pero si Direk Laurice na rin ang nagpa-alala kay Gelli na may iba pa silang ginawa, ang Apoy Sa Puso kunsaan kasama nila sina Dawn Zulueta at Gary Estrada.

Kung may "first" ito ay ang unang pagsasama ni Gelli sa isang proyekto ng pamangkin na si Inah de Belen. Gayundin ang boyfriend nito na si Jake Vargas.

Biniro namin si Gelli na baka soon-to-be pamangkin rin niya na si Jake.

“Dyusko, wag muna ha! Umarte muna tayo diyan. Huwag muna tayong mag-isip ng kung ano-ano,” natawang biro niya.

Kumustang katrabaho si Inah?

“Siyempre, nao-awkwardan pa siya. Okay lang naman, we’ve only done two, three sequences together. Medyo nararamdaman ko nga na medyo nangangapa siya.”

Kinakabahan?

“Oo, siguro kasi ibang-iba, e,” saad niya.

“Yung attitude ko towards her, my character as Kelly na nanay ng boyfriend niya, medyo mas nakaka-nerbiyos.”

May bilin ba si Janice sa kanya tungkol kay Inah?

“Wala naman, wala naman siyang bilin. Pero ano lang—o, make sure na hindi siya yung aarte-arte, pero wala namang bilin si Janice.”

Hindi na rin naman daw nagulat si Janice na nagkasama nga sila ng pamangkin sa isang proyekto.

“It’s not surprising kasi parang if I am here, I’ll eventually work with Inah, somehow, some way, pero siyempre ang bilis. Una agad, si Inah. Pero feeling ko naman, kung ako si Inah, makakampante ako kasi ako ang kasama niya.”

E, si Jake, kumusta naman na anak pa niya ang karakter sa serye nila?

“Actually si Jake, bago ko gawin ang soap, siguro once or twice ko pa lang siya nakikita sa bahay nila Janice. Pero, tahimik kasi siya. Hello and good bye, mga ganyan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit naman ngayon, hello and goodbye lang. Very shy talaga. Nahihiya siya.”

Kinakausap-kausap din naman daw niya si Jake para maging kumportable.

Pero natatawang sabi nga niya, “E, wala, nag-a-adjust pa siya.”

Sabi nga ni Gelli, napa- oh my gosh siya nang malaman niya kung ano ang gagawin niyang teleserye.

Pinanggagalingan ba nito ang pressure na galing sa Ika-6 Na Utos na nagsimula at nagtapos na mataas ang rating?

“Of course, it’s natural for people to expect a lot because of Ika-6 Na Utos. Pero I never thought it is fair or not. Pero normal, natural, I’m sure, nag-e-expect sila.

“Yung pressure, yes, we feel it a little bit, pero hindi siya yung nakakakaba na grabe. Yung pressure is more like na we have to do it well.

“But since we know maganda yung script. Ako, personally medyo maganda ang story, e, maganda ang premise.”

Ang laking bagay rin daw na okay silang lahat na magkakasama sa cast.

“Actually, ang sarap ka-eksena ni Jean, si Antonio, everybody, they’re so nice to work with. There’s the camaraderie that you feel. I think it’s possible and you guys can feel it, I hope.

“Nararamdaman namin sa set na masaya lang kami, magaan lang, walang pabigat, walang pa-star, basta gusto lang namin matapos ang trabaho, magawa ito ng maayos at maka-uwi ng hindi ka naman hilong-hilo sa kapaguran.

“Yun lang naman, simple lang naman ang gusto nating lahat na at the end of the day, maganda ang produkto na kalalabasan.”

Nilinaw ni Gelli na hindi siya kontrabida ngayon sa Ika-5 Utos.

Aniya, “Hindi siya kontrabida, situational. Reactionary kontrabida. Although exciting. I’ve never done something like this.

“Pero yung role ni Kelly is very close to my persona. Pero yung ugali niya, not really.”

Paano niya nasabing close sa persona niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag napanood niyo, malalaman niyo,” nakangiting sabi niya.

“Maingay siya, maano siya sa kaibigan. Protective of her family. Ang pagmamahal niya sa kaibigan at sa pamilya—kung paano siya chumika, madaldal din kasi si Kelly, e.

“Close, parang ako actually pero ano siya, times ten.”

Ang karakter rin daw niya ang nagpapagaan ng kuwento.

Base sa karakter niya sa Ika-5 Utos, naging daan siya para malaman ng kaibigan ang ginagawang hindi maganda o pagtataksil ng asawa nito.

Sa totoong buhay, sasabihan niya rin ba ang kaibigan niya kapag nalaman niyang may nanloloko rito?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Kasi I would want the same. E, kung may dapat akong malaman. Alam ko naman yung nagde-deliver ng message, yun ang napagbubuntunan. But if I am a true friend, I would.”

Nagawa na rin daw niya ito sa totoong buhay.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN