Janine Gutierrez reveals how Alden comforted her as she dealt with online bashers

IMAGE Jerry Olea

Janine Gutierrez is paired with Enchong Dee in the Regal movie Elise.



Clueless si Janine Gutierrez kung sandamukal pa, kumonti o humupa na ang kanyang bashers & haters, lalo pa’t may kissing scene sila ni Alden Richards sa GMA-7 telefantasya na Victor Magtanggol.

“Wala na ba? Hindi ko alam, e. Pinatay ko na yung Twitter ko, e,” sambit ni Janine sa storycon ng unang Regal movie niyang Elise noong Setyembre 11 sa Valencia Events Place, Quezon City.

“Sa Instagram, medyo meron, konti... pero naiintindihan ko naman po. Siyempre, nakakapanibago po.

“And alam ko rin naman yung feeling na kapag meron kang sobrang gusto na team-up, di ba, o couple na talagang ... siyempre, andoon ang pagmamahal mo.

“So, naiintindihan ko naman. Pero thankful din po ako na maraming sumusuporta.

“Maraming excited. Lalo na po noong nag-Visayas kami, nag-Cebu and Bacolod.

Madami po kaming na-meet doon na nanood ng Victor Magtanggol. So, very thankful din po talaga.

“Saka yun na ‘yon, kahit may konting ano...”

Kumusta na sila ni Alden? May mga na-discover ba siyang bago sa Pambansang Bae?

"Si Alden, sobrang sayang katrabaho rin,” lahad ni Janine.

“Komedyante rin siya behind the scenes, e. Yung ang isa sa mga hindi ko in-expect sa kanya before.

“Very maloko siya. Maraming hirit. Ahmm, katropa niya lahat ng crew. Meron silang mga sariling inside jokes.

“Iyong mga lightsman, utility, ang saya lang nilang panoorin dahil mukha silang magbabarkada.

“And ramdam mo talaga sa buong set yung alaga niya sa lahat ng tao, at pagmamahal sa lahat ng tao.”

Paano siya kino-comfort ni Alden sakaling may nang-ookray sa kanya sa social media?

“Palagi lang po siyang nagche-check before kung... ‘Okay ka lang?!’ Mga simpleng ganun.

“Na-appreciate ko po ‘yon dahil... bilang leading man at bida, ganun po siya sa lahat ng tao sa show.

“Very gentleman siya sa lahat ng tao and nakita ko rin talaga kung bakit sobra ang pagmamahal sa kanya ng fans niya.

“Dahil he goes out of his way para makabati. Yung trato niya sa fans niya, parang pamilya.

“So, parang lalo kong naiintindihan kung bakit sobrang blessed siya.”

Nakapag-bonding na ba sila kahit paano ni Maine Mendoza?

“Never ko pa po siyang na-meet,” kaswal na tugon ni Janine.

If ever magkita sila, awkward ba iyon para sa kanya?

“Wala. Wala po. Wala naman po kaming isyu or anything.”

Ngayong bumalik na sa GMA Network na si Rayver Cruz, posible bang magkasama sila sa trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Well, may gagawin pa po siya with Kris Bernal. And ako, nasa Victor pa. So, hopefully, sa mga susunod na project.”

Sila na ba ni Rayver?

“Hindi pa,” mahinang tugon ni Janine na sinundan ng mabining tawa.

Siyempre, excited si Janine sa pelikulang Elise kung saan gaganap siya bilang isang babaeng mala-anghel o mala-diyosa ang ganda.

May challenge pa ba sa kanya na gampanan ang ganoong karakter, o effortless sa kanya na i-project ang ganoong alindog?

“Naku, challenging po!” bulalas ng dalaga. “Challenging. Kasi, hindi naman po ganun yung tingin ko sa sarili ko.

“Kaya para makapag-portray ng character na talagang walang paki, super-confident, kailangan din pong itrabaho siya.”

Excited ba siya na si Enchong Dee ang kanyang leading man dito?

“Yes, excited,” nakangiting lahad ng dalaga. “Kasi, I’ve worked with him before, and nakikita ko kung gaano siya ka-dedicated.

“Nagkasama po kami sa Lila (2016), sa Sinag Maynila, pero horror. So ito, ibang-iba naman.”

Rom-com/hugot movie with a twist itong Elise, na ididirek ni Joel Ferrer (nagdirek ng Woke Up Like This nina Vhong Navarro at Lovi Poe).

Kasama rin sa cast nito sina Laura Lehmann, Victor Anastacio at Miel Espinosa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN