Billy Crawford, Coleen Garcia, Eric Tai pay surprise visit to It's Showtime

IMAGE Photo grabbed from It's Showtime

Billy Crawford, Coleen Garcia, and Eric Tai make a surprise visit on It's Showtime on September 14. The three are among the original hosts of the noontime show. 


Nagkaroon ng surprise visit ang tatlong original It’s Showtime hosts na sina Billy Crawford, Coleen Garcia, at Eric “Eruption” Tai sa episode ng ABS-CBN noontime show kahapon, September 14.

Sa kalagitnaan ng segment ng Miss Q & A, tinawag ni Vice Ganda sina Billy, Coleen, at Eric.

“We miss you naman. Andito ang ating mga solid Showtimers,” pahayag ni Anne Curtis.

Sa stage, nagyakapan ang mga original hosts: sina Vice, Anne, Billy, Coleen, at Eric.

Bumati sina Billy, Coleen, at Eric sa audience ng programa.

Pinasalamatan ni Vice si Billy dahil ito raw ang nag-compose ng theme song ng cosmetic brand nito.

Binati naman si Eric dahil buntis ngayon ng kanyang misis.

“Nakaka-miss naman ang mga ‘to,” muling hirit ni Vice.

Marami ang nagtataka at nagtatanong sa pagkawala ni Billy sa noontime show.

 IMAGE Photos grabbed from It's Showtime

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Vhong Navarro na nag-leave si Billy sa programa upang i-enjoy ang bakasyon matapos ang kasal nila ni Coleen noong April.

Marami rin daw kailangang gawin si Billy kagaya ng musika at iba pang proyekto.

READ: Vhong Navarro, itinangging umalis na sa It's Showtime si Billy Crawford

Tiniyak din ni Vhong na walang isyu sa pag-leave ni Billy sa programa.

Taong 2016 naman nang ihayag ni Coleen na nagdesisyon siyang umalis sa It’s Showtime upang mag-focus sa kanyang acting career.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN