Ken Chan reveals challenge in playing new character with mild autism

by Rommel R. Llanes
Sep 15, 2018
Kapuso actor Ken Chan explains why he feels challenged with his new role in GMA-7's new teleserye, My Special Tatay, where he plays a character with mild autism: "Mahirap siya sa akin dahil for me personally, mas madaling i-act o ipakita sa mga tao yung severe case. Pero itong kundisyon ni Boyet na mild lang, bilang aktor, mas mahirap po siyang ipakita sa mga tao dahil mild nga lang."

Aminado si Ken Chan na mas hirap siya sa papel niya bilang Boyet sa My Special Tatay kaysa papel niya dati bilang transgender sa Destiny Rose noong 2015.

Bilang si Boyet ay may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder ang role ngayon ni Ken sa naturang GMA teleserye.

Lahad niya, “Mahirap siya dahil ang pagiging transgender po kasi, inaral ko po yung pagiging transgender, pagiging babae, physically.

“And ang dami din pong tumulong sa akin noon para magampanan ko yung role na Destiny Rose.

Ang papel naman niya bilang si Boyet ay mahirap dahil kailangan raw mangggaling sa loob ang hugot.

Dagdag pa niya, “Para lumabas siya sa labas, sa pisikal, dahil mental disorder siya.

“Iyon yung mahirap sa akin.”

DIFFERENT ACTING APPROACH

Challenge rin daw kay Ken ang My Special Tatay dahil may mga teleserye na dati na nagpakita ng halos kaparehong tema tulad ng Niño (ni Miguel Tanfelix, 2014) at Little Nanay (ni Kris Bernal, 2015).

Gusto raw nila ng production team ng My Special Tatay na maiba ang kanilang atake sa teleserye.

Pag-amin pa niya, “At mahirap siya sa akin dahil for me personally, mas madaling i-act o ipakita sa mga tao yung severe case.

“Pero itong kundisyon ni Boyet na mild lang, bilang aktor, mas mahirap po siyang ipakita sa mga tao dahil mild nga lang.

“Pero kailangan mapansin nila na that there’s something wrong.”

Pinanood daw muli ni Ken ang Niño at ang Little Nanay para raw alam niya kung ano ang mga hindi niya dapat gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho raw mahusay sina Kris at Miguel sa mga nabanggit na teleserye.

Saad niya, “Kaya na-pressure rin ako and na-challenge rin ako kung paano ko naman ipapakita sa ibang atake itong kundisyon ni Boyet.

“Ang pinaka-biggest challenge po na nangyari sa akin, yung sa physical, e.

“Paano niya ipapakita yung mild case o condition niya nang meron siyang pinagdadaanang problema—na kinikilig siya, na kinakabahan siya, natatakot siya.

“Paano niya ipapakita iyon ng hindi nagiging severe case yung condition niya.

“Kailangan kong mag-stick sa mild... na huwag akong lalampas sa boundary na yun.

“May borderline ako dahil napaka-sensitive ng kundisyon na ‘to.”

Iyon raw ang pinag-iingatan nila sa My Special Tatay.

“May nagtse-check po sa role ko, dahil meron akong limit kung hanggang saan lang po...

“Dahil once na medyo tumaas po yung acting ko dito o baka maging severe case na siya, dun po kami puwedeng hanapan ng butas at mawala ako sa character ko,” dagdag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa presscon ng My Special Tatay noong August 29 sa 17th floor ng GMA Network Center.

DAD'S FIGHT AGAINST CANCER

Pambalanse raw ang bago niyang show sa buhay niya lalo pa nga at may kanser ang kanyang ama.

May stage 2 cancer of the esophagus ang ama ni Ken na nadiskubre nito lamang July.

Pahayag niya, “Sobrang lungkot ng nangyari sa tatay ko pero at the same time merong inibigay na blessing si Lord, kahit papaano.

“Binalanse ni Lord. Masaya ang tatay ko kahit may karamdaman siya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong September ang simula ng treatment ng kanyang ama.

At alam ni Ken na magastos ang mga prosesong pagdaraanan ng ama niya bilang siya ang breadwinner sa pamilya nila.

Malaking tulong daw kay Ken ang pagkakabilang niya sa cast ng My Special Tatay.

Pahabol niya, “Dahil hindi naman biro ang gastos ng may ganitong klaseng sakit po so talagang pag-iigihan ko para sa tatay ko.

“So fight, fight, fight lang!”

Read Next
Read More Stories About
Ken Chan, My Special Tatay
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Ken Chan explains why he feels challenged with his new role in GMA-7's new teleserye, My Special Tatay, where he plays a character with mild autism: "Mahirap siya sa akin dahil for me personally, mas madaling i-act o ipakita sa mga tao yung severe case. Pero itong kundisyon ni Boyet na mild lang, bilang aktor, mas mahirap po siyang ipakita sa mga tao dahil mild nga lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results