Jillian Ward slowly adjusting to teen roles

IMAGE Jillian Ward Instagram

Former child star Jillian Ward is slowly adjusting to her new roles as a teener: "Parang iba na po, hindi na po yung child star."


Maituturing na “old school” si Jillian Ward.

Bukod kasi sa pagkahilig niya sa mga lumang kanta, nang matanong kung sino ang crush niya, ang isinagot niya ay “batang Paul McCartney po.”

Si Paul ay miyembro ng bandang Beatles na sikat na sikat noong 1960s.

Ayon pa kay Jillian, ang ganda raw kasi ng boses ni Paul at cute raw ito lalo noong kabataan niya.

Seventy-six years old na ngayon si Paul.

“Pero hanggang ngayon po ang ganda po talaga ng boses niya,” bulalas ni Jillian.

Wala raw crush si Jillian na kaedad niya.

Noong maliit pa siya, kapag natatanong siya sa mga interviews ay si Aljur Abrenica at ang Victor Magtanggol lead star na si Alden Richards ang isinasagot ni Jillian bilang mga crush niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa compound ng GMA Network Center nitong nakaraang linggo, September 4, Martes.

Napapanood si Jillian sa My Special Tatay kung saan bida si Ken Chan bilang si Boyet na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder.

Kasama rin sa show sina Jestoni Alarcon (Edgar Villaroman); Teresa Loyzaga (Olivia Salcedo-Villaroman); Carmen Soriano ( Soledad Villaroman); Lilet (Isay); Candy Pangilinan (Chona Mariano).

Regular cast members rin dito sina Arra San Agustin (Carol Flores); Rita Daniela (Audrey Palomares); Bruno Gabriel (Orville Villaroman); at JK Giducos (Dekdek).

Sa direksyon ni LA Madridejos kasama ang second unit director na si Conrado Peru, napapanood ang My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime.

ADJUSTING TO TEEN ROLES

At thirteen ay dalagita na si Jillian kaya hindi na pambata ang mga papel niya ngayon, tulad ng papel niya sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman na isang kikay na teenager.

Handa naman raw si Jillian na iwan na ang childstar roles para maging mas mature na bilang artista.

Unang papel niya bilang teenager ang ginagampanan niya sa My Special Tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Ang edad ko nga po dito parang sixteen po yata.”

Aminado si Jillian na medyo nahihirapan siya sa bago niyang papel dahil nasanay nga siya na bata ang karakter niya sa TV o pelikula.

Ngayon lang din daw siya gaganap sa isang maarte (o kikay) na papel hindi tulad dati na madalas ay simpleng bata ang karakter na ginagampanan niya.

“Kaya iba po siya,” pagmamalaki niya.

Isa ring malaking pagbabago kay Jillian bilang artista ay ang mga damit na isinusuot niya sa harap ng kamera.

Aniya, “Nag-i-skirt na po ako, 'tapos mga pang-Korean po yung suot ko.”

Dati kasi ay madalas na naka-shorts at t-shirt lamang siya kapag may taping o shooting.

SINGING TALENT

Bukod sa pagiging artista ay mahusay ring singer at biritera si Jillian pero hindi naman siya nahihirapang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta dahil hindi pa naman “full blast” ang karera niya bilang mang-aawit.

Pahayag niya, “Gusto ko pong i-express yung sa art ko po sa singing pero ngayon po, usually na nabibigay po sa aking projects puro acting po.”

Sa mga mall shows daw niya naipapakita sa publiko ang talento niya sa pagkanta.

INHERITING BARBIE'S THRONE?

May mga nagsasabing si Jillian ang papalit sa trono ni Barbie Forteza bilang Tween Queen ng GMA since dalaga na si Barbie ngayon at twenty-one years old.

“Thank you po. Talaga po?

“Well, masaya po ako siyempre and grateful po ako kung matawag man po ako na ganyan,” pagpapasalamat niya.

Pero kahit wala raw title na ibigay sa kanya ay okay lang raw kay Jillian.

Sabi niya, “Since talagang ibinibigay ko naman po ang best ko.

“Pero masaya po ako na nabigyan po ako… na naiisip po nila na parang ganun po ako ngayon.

“Parang iba na po, hindi na po yung child star.”

Dati nga ay child wonder pa ang titulo ni Jillian bilang batang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EDUCATION

Bilang grade seven student ay home-schooled si Jillian, at meron din siyang tutor na pumupunta sa kanilang bahay.

Pakli niya, “Every quarter nag-e-exam po ako sa mismong school, sa Pampanga po yung school.”

Ang Westfields International School ang tinutukoy ni Jillian.

Mataas raw ang mga grades ni Jillian, more than average ang kanyang Grade Point Average o GPA.

“Basta tutok din po ako sa pag-aaral, siyempre alam ko naman po na hindi forever yung pag-aartista, kaya nag-aaral po talaga ako nang mabuti,” pagmamalaki niya.

Hindi raw siya nahihirapan na pagsabayin ang pag-aaral at ang showbiz career niya.

“Kasi nasanay na rin po ako na since bata pa lang ako pinagsasabay ko na,” dagdag niya.

Four years old pa lamang ay pumasok na sa showbiz si Jillian at mas madali raw naman ang home-schooled kaysa regular school.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN