Ariella Arida addresses speculations about departure from Wowowin

IMAGE Julie Bonifacio

Beauty queen Ariella Arida explains the real reason why she left Willie Revillame's Wowowin.


Balik Kapamilya network ang beauty queen na si Ariella Arida. Bahagi siya ng ABS-CBN daytime drama series titled Playhouse na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa ABS-CBN.

First acting project ba ni Ariella ang Playhouse?

“Yes, first acting project ko ‘to. Kasi po last year, I did hosting. So, parang, siguro ngayon lang ako nabigyan ng chance na mag-try on acting,” panimula ni Ariella nang makausap namin sa grand media launch ng Playhouse.

Pagkatapos niyang manalo bilang Miss Universe 2013 Third Runner-up, naging visible siya sa mga programamng ABS-CBN.

“Yeah, but mostly ang ginagawa ko talaga more on lifestyle, travel show, ganyan. Hosting po talaga. Then, I did Kapamilya Deal or No Deal for almost two years.”

In May 2016, lumipat siya ng GMA-7 para maging isa sa co-hosts ng Wowowin na programa ni Willie Revillame.

“Yes,” tugon ng beauty queen.

“Nagkaroon ako ng call kung gusto ko ng hosting kasi, so, parang two years din po ako doon sa hosting job.”

Ano ang real reason sa pagkawala niya sa Wowowin?

“Ah, kasi, alam ninyo naman si Kuya Willie more on nagpapalit din talaga siya ng host kung mapapansin din niyo po.”

But prior to her absence sa Wowowin, may lumalabas na issue na hindi na siya masaya bilang co-host sa show. Totoo ba ito?

“Ay, hindi naman,” tanggi ni Ariella.

“I’m so super happy with the whole production lalo na kay Kuya Will. Siguro lang din ano, yung sa time.

“Time management din po na parang, kasi nagpaalam po ako kung pwede kong gawin yung something, parang ganoon po.”

Ano yung something?

“Ay, hindi, wala naman. Yung parang like traveling, ganyan.”

Pinapayagan ba siya ni Willie kapag uma-absent siya sa Wowowin?

“Pumayag naman po [siya].

“Pero parang gusto niya rin, priorities po. But everything’s okay po.

“Now, we’re okay naman po. I’m okay with the whole staff.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kasi sabay-sabay din naman po kami [nawala] ng iba ko pong kasama sa show.”

Kasama rin ni Ariella sa show ni Willie ang mga komedyanteng sina si Donita Nose at Super Tekla. Nagkikita pa rin ba sila?

“Opo, lahat kami na magkakasama sa show ni Kuya Willie noon. Lahat po in good terms kay Kuya Will.”

How true na kaya tinanggal ni Willie si Donita at Super Tekla dahil tanggap nang tanggap ng mga provincial shows na nakaka-apekto sa paglabas nila sa Wowowin?

“Hindi naman po,” paglilinaw niya. Naintindihan ko rin naman po yung side ni Kuya. Siyempre, dito ka nabibigyan ng exposure, parang ganon.

“Naintindihan naman naming lahat.”

“All is well po talaga sa aming lahat. Everything si okay talaga. Yung ibang past host bumibisita pa rin sa kanya [Willie].”


ON KAPAMILYA TELESERYE

Ano ang role niya sa Playhouse? Kontrabida ba siya?

“Hindi naman po. I’m a supportive friend ni Z. Supportive ako sa lahat ng ginagawa niya.”

Magiging love triangle ba sila nina Angelica at Zanjoe sa Playhouse?

“Hindi naman...kasi ako talaga, parang friend and business partner ni Z sa show kaya ako dumating sa buhay niya. Siguro depende na lang sa tao ung how they’re gonna perceive my role. Pero sobra akong kaibigan na supportive, ganoon.”

May love life ba siya ngayon?

“Ayun, wala. Hahaha!”

Choosy ba siya masyado?

“Hindi naman,” diin ni Ariella. "Pero hindi ko rin alam yung nangyari, e. Matagal na akong single.”

Ang dating Azkals player na si Simone Rota ba ang huling lalaki na nakarelasyon niya?

“Sino po?” balik tanong niya sa amin.

“Ay, matagal na po yun. Matagal na matagal na po yun,” paulit-ulit niyang sabi.

“Everything is good naman [with us].”

Nagkikita pa ba sila ni Simone lately?

“Ah, we’re in good terms. Kita siguro kapag nagkakataon lang, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala na ba silang communication?

“Wala na po. But we’re okay.

“Actually now, we’re good friends. Kaya super okay.”

Posible ba na magkaroon ng sila ng second chance?

“Ako naman, ah, I’m not closing any doors. Malay mo, di ba?

“Sabi nga nila, may second chance sa tao. Naniniwala ako sa second chance and the fact that we’re god friends now, why not?”

Pero nagkaroon ba ng chance na lumabas ult sila ni Simone?

“Ay, hindi po. Sobrang barkada kami.”

So, may chance na maging friends muna sila ulit, di ba?

“Oo, malay mo.”

“I mean, ako masaya dahil parang all is well between us.”

Ano ang hinahanap niya sa isang guy?

“Actually, hindi naman ako mahirap i-please. Siguro wala lang din talagang dumarating pa.

“Siguro nagkataon din na eto busy with this one.

“So, parang nao-overwhelmed pa ako on what’s happening sa career ko ngayon,” pagtatapos ni Ariella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN