Joshua Garcia and Julia Barretto describe biggest challenges in doing teleserye

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia and Julia Barretto are busy taping for their serye Ngayon at Kailanman, which has been getting good feedback from viewers. Because of this, the couple have yet to make solid plans for the upcoming ABS-CBN Ball. 



Sa September 29 na ang ABS-CBN Ball, at dahil sa halos araw-araw na taping ay pinauubaya na lang pareho nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa kanilang stylists at designers ang susuutin nila sa gabing iyon.

Ani Julia, "Di ko masyadong naiisip kasi every day na kami nagte-taping so parang trust na lang siguro sa stylist, sa designers.

"Sana, however yung kalabasan ng susuutin ko, sana okay naman."

Pahayag naman ni Joshua, "Oo nga malapit na nga. Trust na lang sa stylist kasi busy talaga."

Inaasahan ng halos lahat, lalo na ng fans ng kanilang tambalang JoshLia, na silang dalawa ang magkasama sa darating na ABS-CBN Ball.

Ngunit sa aming panayam, nalaman naming di pa pala inaaya ni Joshua si Julia para siya ang maging escort nito.

"Tingnan natin kasi di pa ako nagpo-propose," bunyag ni Joshua. 

"Di ko pa siya inaaya, e. Aayain ko 'yan, relax lang. Sino ba gusto mong ka-date?" tanong ni Joshua sa kapareha.

Sagot naman ni Julia, "Baba, ano yang mga tanong na yan? Nakakaloka but nakaka-flatter." 

EMBRACING NGAYON AT KAILANMAN ROLES

Labis naman ang pasasalamat nina Julia at Joshua sa magagandang feedback at mataas na ratings ng teleserye nila na Ngayon At Kailanman.

"Ako gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusubaybay ng Ngayon at Kailanman," ani Joshua.

Dugtong niya, "Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga fans namin na sumusuporta sa amin. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng nagtu-tweet at nagpapa-trending sa Ngayon at Kailanman kasi palagi siyang trending. Maraming salamat sa inyo."

Pagkukuwento naman ni Julia, "I'm so happy na marami ang natutuwa sa aming story, and also very blessed kami na nabigyan kami ng opportunity to do Ngayon At Kailanman. Sa trust ng management namin and sana subaybayan pa nila kasi marami pang mangyayari."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina Joshua at Julia sa studio ng ASAP noong Linggo, Setyembre 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malayo sa personalidad nila sa totoong buhay ang mga karakter nilang si Eva at Inno, kaya aminado sina Julia at Joshua na isang malaking challenge sa kanila ang kanilang mga papel.

Ani Joshua, "Especiallly yung mga English ko sobrang habang lines. Dati kasi okay lang kasi tahimik lang ako palagi. E, ngayon siyempre nagbabago ang mga characters.

"Ngayon mas marami na ako, yung mga English ko, mas mahahaba na, sobrang mahahaba.

"Buti na lang may speech coach talaga ako, hanggang ngayon nag-i-speech [class] pa rin ako. Kasi may mga lines na off din, e, di ko mabigkas masyado." 

Pag-amin naman ni Julia, "It's very challenging to be honest, it took me a while hanggang maging kumportable na ako sa pagiging Eva.

"Mas free, mas magalaw, nagbibigay buhay sa mga bagay. Pero na-embrace ko na rin siya, natutuhan ko na siyang mahalin, maramdaman talaga at maisapuso. Malapit na rin sa akin si Eva."

Kung nung una ay di maka-relate si Joshua sa role sa pinagbibidahang serye, ngayon ay nayakap na niya ito at natutuhan na ring mahalin.

"Ay oo mahal na mahal ko ang character ko. Alam ko ang back story niya, alam ko kung saan papunta ang story niya kaya sobra ang pagmamahal ko sa kanya. Siya yung masasabi ko na the good son," paghambing sa nakaraang proyekto niya, ang teleseryeng The Good Son.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN