Katrina Halili looks forward to onscreen rivalry with StarStruck batchmate Jennylyn Mercado

IMAGE Noel Orsal

Katrina Halili explains why she wants to work with her StarStruck batchmate Jennylyn Mercado: "Halos lahat na ng mga lead actresses ng GMA-7 ay naging kontrabida ako. Kaya si Jennylyn na lang talaga ang natitira. Siya ang gusto kong next victim ng katarayan ko. Kaya kailangan humanda siya kapag nagharap na kami!"


Kung siya ang masusunod, gusto raw ni Katrina Halili na sa susunod na teleserye niya ay si Jennylyn Mercado naman ang makasama niya.

Si Jennylyn na lang daw kasi ang hindi pa niya nasasampulan ng kanyang katarayan at kamalditahan.

Kadalasan ay naka-cast si Katrina bilang kontrabida.

Pagbabalik-tanaw niya, "Actually, nagkasama na kami ni Jen, pero mga bata pa kami noon.

''Ito yung teleserye ni Regine Velasquez at Ariel Rivera na Forever In My Heart noong 2004.

"Hindi pa ako full-blown na kontrabida noon kasi mga baguhan pa lang kami nila Jen that time.

''Iyon ang first primetime teleserye namin ni Jen after StarStruck.

"Loveteam na sila ni Mark Herras noon at ako yung nanggugulo sa kanila.

"'Tapos, hindi na ulit kami nagkasama after noon.

"Halos lahat na ng mga lead actresses ng GMA-7 ay naging kontrabida ako.

"Mula pa noon kay Angel Locsin [Majika], Marian Rivera [MariMar, Darna, My Beloved], Carla Abellana [Rosalinda], Yasmien Kurdi [Sa Piling Ni Nanay], Heart Evangelista [Langit Sa Piling Mo, Magkano Ba Ang Pag-ibig?], Iza Calzado [Atlantika, Beauty Queen], Kylie Padilla [Adarna], Rhian Ramos [The Rich Man's Daughter] at ngayon, si Megan Young [The Stepdaughters].

"Pati nga kay Ken Chan naging kontrabida niya ako sa Destiny Rose.

"Kay Tita Gloria Romero naman sa Munting Heredera, at si Ms. Jaclyn Jose nakatikim ng kamalditahan ko sa D'Originals, di ba?

"Kaya si Jennylyn na lang talaga ang natitira.

"Siya ang gusto kong next victim ng katarayan ko.

"Kaya kailangan humanda siya kapag nagharap na kami!" malakas na tawa pa ni Katrina.

Pero gusto raw ni Katrina, maganda sana ang kuwento ng pagsasamahan nila ni Jennylyn.

Lahad niya, "Since ang tagal naming di nagkasama ni Jen, gusto ko siyempre, maganda ang kuwento ng rivalry namin.

"Yung di lang basta maldita ako at nananampal.

''May rason ang lahat at yung tipong pang-award ang mga eksena naming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana matupad iyon, di ba?

''Magandang reunion namin iyon ni Jennylyn."

VACATION WITH DAUGHTER

Gusto rin daw munang magbakasyon ni Katrina kapag nagtapos na ang teleserye niyang The Stepdaughters.

Bago siya magsimula sa bagong teleserye, gusto raw sana niyang magkaroon siya ng mahaba-habang bakasyon kasama ang kanyang anak na si Katie.

"Gusto kong mas mahaba ang bonding namin ni Katie.

''Yung hindi ako nagmamadali dahil may taping ako.

"Minsan kasi late na ako makakauwi or masyado akong maaga nawawala sa bahay.

''Hindi ko masyadong nakakausap si Katie.

''Puro kami Facetime noong busy ako sa The Stepdaughters.

"Kaya magbakasyon kami ng anak ko kapag nag-last taping daw na kami ng show," kuwento ni Katrina sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa set ng The Stepdaughters sa Grand Heights Subdivision, Antipolo City noong nakaraang September 4.

Pinag-iisipan pa raw ni Katrina kung dito lang daw sila sa Pilipinas o mag-a-out of the country sila.

"Pinag-iisipan pa naming dalawa.

"Pumapasok na kasi sa school si Katie.

'E'njoy pa naman ang bagets na pumasok sa school niya.

"Kung ako lang masusunod, gusto ko out of the country kami ni Katie para maiba naman ang paligid namin.

"Pero kung ditu-dito lang kami sa Pilipinas, okey din naman kasi marami namang puwedeng mapuntahan na di pa namin nakikita.

"Tsaka para mas malapit lang.

''In case na may guesting ako, madali ako ma-reach.

''Sayang din, di ba? Pambayad din ng bills!" sabay tawa pa ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN