Is Maine Mendoza still open to doing a future project with Alden Richards?

IMAGE Rose Garcia (left frame) / @ramsdavid86 on Instagram

GMA-7's sitcom Daddy's Gurl features Maine Mendoza as well as Wally Bayola (wearing pink dress) and Vic Sotto.


Nagkaroon na ng plug shoot at pictorial ang bagong GMA-7 sitcom na Daddy’s Gurl. Ito ang pagbabalik sitcom ni Vic Sotto at unang pagkakataon ni Maine Mendoza na mag-bida sa ganitong comedy show.

“Siyempre po, masaya,” nakangiting pahayag ni Maine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang members of the press sa studio ng GMA Network noong September 24.

Ayon kay Maine, “First time ko pong magkakaroon ng sitcom tapos with Bossing pa. So, isang karangalan na makatrabaho na naman pong muli si Bossing Vic Sotto.

“At tatay ko pa, forever tatay ko na nga po si Bossing,” masayang sabi ng Eat Bulaga host.

Ipinarating namin kay Maine ang naging pahayag ni Vic na sa pagiging mag-ama nila na nagkapirmahan na raw sila ng kontrata.

“Opo, actually meron na, for ten years,” biro ni Maine.

Ang Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl ay magsisimula nang mapanood this October.

Si Maine ang lumalabas na title role talaga sa show na nasa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez. Anong pakiramdam ni Maine tungkol dito?

“Pareho naman kami ni Bossing,” nakangiting sabi niya.

“Siyempre masaya kasi, comedy ito at sigurado rin naman ako na kapupulutan ng aral ng mga viewers natin.”

In terms of acting, sitcom ba talaga ang gusto niyang gawin?

“Hindi ko pa po kasi nata-try kasi first sitcom ko pa lang po ito. Pero tingin ko po ito since focus po niya ay comedy. Pero tingin ko po ay forte ko po.

“Pero tingin ko lang, baka naman nagpi-feeling lang ako,” natawang hirit niya.

Pero mula sa isang batikang komedyante na si Vic, pinuri nito si Maine at sinabing maganda raw ang timing ng huli sa pagbitiw ng mga punchline at nakita talaga ang malaking improvement niya.

“Feeling ko po dahil po sa mga nakakasama ko sa Bulaga. Ang TVJ po at ang JoWaPao, talagang kasama ko palagi sa barangay." 

Ang TVJ ay ang trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon samantalang ang JoWaPao ay tumutukoy kina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Pagpapatuloy ni Maine, "Since very spontaneous naman po ang mga banter namin dun, feeling ko po dun po ako natututo talaga, day by day po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anak ni Vic at ni Wally Bayola ang karakter na ginagampanan ni Maine sa Daddy’s Gurl. Si Wally ay babae talaga ang karakter sa sitcom.

Kung magaling na siya sa timing, ano ang nakikitang challenge ni Maine sa pagganap ng karakter niya?

“Well siguro po since puro comedy naman ang ginagawa ko, parang hinahanapan ko kung paano ko siya maiiba. Paano ko maiiba ang atake ng character ko rito sa mga roles na nagawa ko before.

“Kasi mag-ama rin kami ni Bossing before na comedy. Parang iniisip ko, ano kaya ang puwede kong gawing bago? Ano kaya ang puwede kong mai-offer? Ano kaya ang puwede kong maipakita na magugustuhan ng panlasa ng mga tao?”

Isang dalagang Batanguena ang role ni Maine sa Daddy’s Gurl.

“Siguro may mga twists din ito. Siguro may konting changes lang sa lifestyle, character, tapos dun na po magpu-focus kung ano ang magiging relationship namin ni Bossing as father and daughter.”

Tinanong din namin si Maine kung meron siyang magiging love interest o ka-loveteam sa kauna-unahang sitcom.

Pero ayon dito, “Sa ngayon, wala pa naman pong ganun na pinag-uusapan. As in, father-daughter po talaga.”

Masaya si Maine na ngayon, mula sa "Juan For All, All For Juan" segment na ginagawa nila sa Eat Bulaga, nakakagawa pa siya ng ibang proyekto.

Bukod sa sitcom, meron pa siyang pelikula para sa 2018 Metro Manila Film Fest, ang Jak Em Poy: The Puliscredibles.

“Masaya kasi tulad nga po ng sinasabi ko, hindi naman puwedeng mag-stay ka lang sa isang lugar and since nasa showbiz ka, kailangan mo rin mag-explore talaga para meron kang maio-offer sa mga sumusuporta sa ‘yo.”

Maging si Vic, napansin din kay Maine na kumpara ngayon, dati raw ay parang hindi pa ito “immersed” sa pinasok na industriya.

Ngayon daw, nakikita na rin ni Vic na nag-eenjoy na talaga siya sa ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo,” nakangiti niyang sabi.

“Kasi magkasama rin kami sa movie. Since Bebe Love (2015) magkasama kami. And totoo naman po and natutuwa rin po ako kasi yun din po ang napi-feel ko sa sarili ko na kahit papaano, may improvement.”

Kailan dumating yung turning point at nasabi niyang gusto at nag-eenjoy na siyang talaga sa ginagawa niya bilang isang artista? Sanay na nga ba siya?

“Sakto lang po,” nakangiting sagot ng 23-year-old actress.

“Feeling ko nasa process pa rin po ako ng pag-explore at pagtanggap. Yung feeling ko na hindi ko kayang gawin, kaya ko pala. So parang nasa exploring stage pa rin ako until now dito sa showbiz.”

May plano pa bang gumawa si Maine ng project with her AlDub love team partner Alden Richards?

“Hindi ko po alam. In all honesty po, hindi ko po talaga alam ngayon kung ano pong plano pero hopefully naman po in the future.

"Sa ngayon, parang nag-eexplore po kami as solo artists," ani Maine.



Daddy's Gurl stars (L-R) Wally Bayola, Vic Sotto, Maine Mendoza, and Oyo Sotto

 IMAGE @ramsdavid86 on Instagram






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN