Maureen Wroblewitz feels warm welcome of Eat Bulaga! Dabarkads

IMAGE Jerry Olea

Asia's Next Top Model 2017 winner Maureen Wroblewitz on working with Eat Bulaga! Dabarkads Ryzza Mae Dizon: "Ryzza is really, really nice and sweet; and she's teaching me Tagalog. So, yeah, we've been bonding already."


Inilunsad na si Asia's Next Top Model 2017 winner Maureen Wroblewitz bilang bagong Eat Bulaga! Dabarkads na makakasama ni Ryzza Mae Dizon sa segment na "Boss Madam" noong September 24.

Unang linggo pa lang ni Maureen sa noontime show, ngunit naramdaman na raw niya agad ang mainit na pagtanggap ng kanyang co-hosts.

"I’m still trying to get used to everything, but everyone’s so nice in welcoming me.

“I really feel like this is a family. And I got to talk to a few hosts today."

Naniniwala si Maureen na hindi magtatagal bago niya maramdamang "it will really feel like home" sa tuwing sasalang siya sa show lalo pa't mabilis daw niyang nakagaanan ng loob si Ryzza Mae.

Sabi ni Maureen, “Ryzza is really, really nice and sweet, and she’s teaching me Tagalog.

"So I always have to remind her, 'Tagalog lang.' And then she’ll teach me, like, the word and all that.

“So yeah, we’ve been bonding already.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maureen nang bisitahin namin siya sa Eat Bulaga! studio sa Broadway Centrum sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, September 26.

Dito kinumpirma ng manager ni Maureen, si Rex Belarmino, na isang taon ang kontrata ng dalaga sa Eat Bulaga!

Magka-conflict kaya iyon sa pagmo-modelo niya?

“No,” mabilis na sagot ni Maureen.

Kahit pa regular siyang mapapanood sa Eat Bulaga!, pagdating ng hapon ay kaya pa rin daw sumegue ni Maureen sa photo shoots.

Pero sisiguruhin daw niyang matututukan niya ang kanyang hosting career.

Patuloy niya, “I was focusing on modeling for a year after the competition.

“Now, it’s time to explore and do other things."

Gusto ba niyang mag-venture sa movies?

“I’d love to if somebody wants to get me for a movie!”

Kung aakting siya sa TV, anong gusto niya? Comedy, drama, action, horror or romance?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’d like to explore, but I really wanna do drama."

Sa ngayon ay sasailalim muna raw si Maureen sa workshops sa singing at dancing, dahil bahagi ito ng kanyang trabaho bilang Dabarkad.

Nakatakda na rin siyang kumuha ng tutor na magtuturo sa kanyang maging matatas sa salitang Filipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN