Joyce Pring on Regine: "I think any Filipina na lumaki wanting to be a singer, talagang idol si Ate Regs."

by Rey Pumaloy
Sep 30, 2018
Joyce Pring sees herself more a fan of Regine Velasquez than co-host of their show The Clash: "Nagpa-picture pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung paano siya i-approach, kahit napakabait niya, nahihiya pa rin ako sa kanya."


Marami raw ang nagsasabi kay Joyce Pring na suwerte siya dahil katrabaho niya si Regine Velasquez, ang Asia’s Songbird at isa sa mga reyna ng industriya.

Magkasama sila sa The Clash, ang talent search show ng GMA-7 kung saan si Regine ang main host.

Si Joyce at Andre Paras naman ang backstage hosts ng singing competition na magtatapos ngayong gabi, September 30.

“I’m so blessed,” sambit ng radio jock at biglang humirit, “Totoo ba yan?”

Tulad nang marami ay hindi rin makapaniwala si Joyce sa tsismis na lilipat na ng Kapamilya network si Regine at ang The Clash na raw ang huling proyekto nito sa Kapuso.

“If that were true I’d be so honored na nakasama ako dito, the fact na nakasama ko si Ate Reg sa show honored na ako.

“Alam niya 'to, umpisa pa lang, first day pa lang ng show, pinadalhan ko siya ng flowers.

“Sobrang surreal sa .kin na makakasama ko siya sa isang project, and hindi pa rin siya nagsi-sink in sa akin.

Continue reading below ↓

“Siguro mga after months of working with Ate Regs, mga four months na, nagpa-picture pa rin ako sa kanya.

“Hindi ko pa rin alam kung paano siya i-approach, kahit napakabait niya, nahihiya pa rin ako sa kanya.

“I’ve always been a fan, and I think any Filipina na lumaki wanting to be a singer, talagang idol si Ate Regs.”

Hindi raw makakalimutan ni Joyce ang mga bonding moments nila ni Regine.

Kuwento niya, “Pag mga lull times sa backstage nakakapag-usap kami.”

Exclusive na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce matapos ang presscon proper para sa Top 6 finalists ng The Clash. Ginanap ito noong September 25 sa 17th floor ng GMA 7.

Kabilang rin sa show ang Kapuso stars na sina Christian Bautista, Lani Misalucha, at Ai-Ai delas Alas bilang mga judges.

MOST CHALLENGING JOB


Maituturing raw ni Joyce Pring na pinaka-challenging hosting job niya ang The Clash.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Joyce, “Pinaka-exciting na project na nagawa ko ever kasi sobrang music lover ako at frustrated singer ako.

“'Yan ang pangarap ko mag-banda, kumanta.

“So, being a part of something na paborito ko, hosting ang singing, talagang I’m super blessed.

“Mas mahirap itong sa TV ang talent show kasi sa radyo, ako lang yun, e.

“Kailangan mo lang maging ikaw every day, maging honest ka lang sa listeners mo.

“You just continuously talk, yun lang siya. Pero with The Clash ang daming parts, e.

“Bukod sa paghu-host, kami yung sumasalo sa kanila pag natalo sila sa round, pag umiiyak.

“Pag may nahihimatay, may nasasaktan, nandun kami palagi so may emotional part siya.”

Sabi pa niya sa huli, 'Plus, kailangang maganda ka.' Hindi naman ako ganito nagigising, e.

“Itsura ko hindi ganito… Hindi naman ako ganito palagi.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joyce Pring sees herself more a fan of Regine Velasquez than co-host of their show The Clash: "Nagpa-picture pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung paano siya i-approach, kahit napakabait niya, nahihiya pa rin ako sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results