Ejay Falcon chosen for a role in Korean teledrama starring Chae Soo Bin of I Am Not a Robot fame

Ejay Falcon is proud of what he has achieved as an actor in a Korean telenovela: "Naipakita ko sa kanila kung ano ang kaya ng Pinoy. Kung mahuhusay sila, mahuhusay din naman tayo. Professional sila, parehas naman dito." Ejay acts opposite Chae Soo Bin (right) of I Am Not a Robot fame.


Kabilang si Ejay Falcon sa upcoming Korean drama na Where The Stars Land kung saan isang Pinoy OFW ang role na gagampanan niya.

Paano napili si Ejay na gumanap sa isang Korean telenovela?

"Actually, di ko talaga alam, bigla na lang ako tinawagan ang Star Magic, ‘Ejay, pumunta ka ng Korea,’ di ko inexpect.

“Sabi ko, ‘Sobrang bigat nito, may time pa ba para mag-workshop?’ Wala daw time.”

Nagkuwento si Ejay kung ano ang role niya at kung sinu-sino ang kasama at katrabaho niya sa naturang Korean drama series.

"Actually K-drama siya na episodic, ako yung napasama sa isang episode, isang Filipino na nakapunta ng Korea.

“Medyo action siya, dramatic, emotional yung mga eksena.

“Nung papunta pa lang ako sinabi ng mga tao dito, ‘Wow! makakatrabaho mo si Chae Soo Bin ng I am Not A Robot.

“Siyempre nag-research naman ako, pati sa mga directors.

“Si Shin Woo Chul ang director ko, director ng Lovers In Paris, yung famous na action director in Korea na director din ng GI Joe ng Hollywood.

“Sila yung mga kasama ko, masaya, masarap silang mga katrabaho, nandun siyempre yung pagiging professional, sobrang bilis nilang gumalaw.

“Masyadong advanced din ang kanilang mga equipment kaya ang bilis ng galawan nila.

“Ang take nila sa bawat eksena parang pelikula, pero taping siya."

Ayon pa sa aktor, marami siyang natutunan bilang isang aktor sa karanasan niya sa paggawa ng Korean telenobela.

”Ito yung masasabi ko sa pagjging artista ko, sa karanasan na pinagpapasalamat ko sa Diyos na nakasama ako dito.

“Masasabi ko na hindi siya in terms of pera, pero yung karanasan ko bilang isang Pinoy at naipakita ko sa kanila kung ano ang kaya ng Pinoy.

"Masasabi ko na proud ako na naibigay ko ang kailangan based sa nakita kong reaction.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ejay sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport nung nakaraang Linggo, September 23.

Ano ang napansin niyang pagkakaiba sa television production doon at dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Ejay, ”Actually wala namang pagkakaiba, ganun din pareho naman.

“Kung mahuhusay sila, mahuhusay din naman tayo; professional sila, parehas naman dito.

“Sa akin lang, sa experience ko, nakakabilib pa rin ang mga Filipino kasi sa isang araw magsyu-shoot kami.ng 42 sequences.

“Dun makikita mo, apat na eksena lang pero yun nga lang ang atake nila, pelikula.

"Ang kaibihan lang yung equipment, hindi na sila nagkakable kaya ang bilis nilang gumalaw.

“Parang backpack lang yung unit nila pero ang bilis gumalaw… dito sa atin ang daming kable.”

Gaano nga ba kabilis magtrabaho ang mga Koreano?

Lahad ni Ejay, “Masyado silang istrikto pagdating sa oras, dumating kami siguro.mga 6 in the morning ng September 13.

“Pagdating ko dun, nag-request kami na baka puwedeng mag-hotel muna kasi airport yung location namin.

“Hindi na ako napayagan, kailangan ko nang gawin ang mga eksena, ako yung kailangang kunan nila.

“Yung araw na yun puro schedule ng eskena ko. Walang ligo, dire-diretso trabaho.

“Nung una nanibago ako… ang bilis nilang magtrabaho.

“Sobrang, nakakatuwa sila kasi minsan din na sila kasama sa eksena, nandun pa rin yung support nila.

“Tapos walang petiks, for example, cut na, kailangan naka in character ka pa rin."

Pinuri din ng aktor kung gaano kababait sa kanya ang mga katrabaho niya.

“Napaka-polite nilang lahat. For example, dun kanya-kanya yung mga upuan, alam nila pagod na ako, bibigyan nila ako ng upuan.

“Nung nagpaalamanan na, nag-thank you ako sa kanila."

Eere ang Where The Stars Land sa Oktubre sa SBS channel sa South Korea. Hindi nasabi ni Ejay kung mapapanood ito sa Pilipinas.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN