The Clash host Andre Paras admits having tough time choosing top bets 

by Rose Garcia
Sep 30, 2018
The Clash host Andre Paras explains why he finds it hard to pick out his top bets for the finals scheduled this Sunday, September 30: “Para sa akin kasi, it’s weird. Kasi lahat sila, meron silang ibang genre. Sana kung may award na Best in Genre, lahat sila."

Nag-e-enjoy raw si Andre Paras bilang host ng The Clash, ang reality singing competition ng Kapuso network.

Bukod sa mas marami raw siyang nakikilala, gusto raw niya yung nakaka-interact siya sa mas maraming tao.

Sabi nga namin sa kanya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Clash sa GMA-7 noong September 25, tila tine-train na siya bilang isa sa mga hosts ng network.

Lahad niya, “I’m enjoying it naman, being talkative, hosting.

“May ibang field naman ng work ko.”

BEING GROOMED AS KAPUSO HOST

Kung sa ABS-CBN ay may Luis Manzano o Billy Crawford na sinasalang sa hosting, mukhang siya naman ang ginu-groom para sa GMA-7. Gusto ba niya yun?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Of course, opo.

“I’m also a fan of Luis.

“Nakakatawa siya. He’s all around—actor, host.

“Hopefully, ganun din ako.

“There’s nothing wrong in trying a different field in the industry.

“Kasi alaga rin ako ng network.

Continue reading below ↓

“Kung ano ang ibigay sa akin, I’ll show my best to prove na hindi sila nagkamali and give justice sa binibigay nila sa akin.”

NO FAVORED BETS

Sa isang banda, wala namang maisagot si Andre sa tanong kung sino sa Top 6 Clashers ang bet niya o napipisil niyang maging kauna-unahang The Clash champion.

Ngayong Linggo, September 30 ang finals ng The Clash.

Natatawa niyang sagot, “Para sa akin kasi, it’s weird.

“Kasi lahat sila, meron silang ibang genre.

“Sana kung may award na Best in Genre, lahat sila.

“As for me, I want to be surprised talaga.”

Bilang isa sa hosts ng The Clash, palagi raw siyang nagugulat sa tuwing may matatanggal.

“Palagi kaming, 'Bakit siya natanggal?'

“Ang hirap kasi, everything is unexpected.

“E, ayoko namang i-jinx sila kung sino ang sasabihin ko. So wala talaga akong bets.

“Wala rin akong Top 3.”

Natatawang sabi pa niya, “Actually, at this time, gusto ko ngang umalis na lang ako, ayoko nang pumunta sa finals.

Continue reading below ↓

“Ang hirap, e.

“Takot akong malaman. Ang hirap to decide.

“At lahat puwede mong pakanta sa kanila.

“Nakakainggit nga.”

Read Next
Read More Stories About
The Clash, andre paras, GMA-7
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash host Andre Paras explains why he finds it hard to pick out his top bets for the finals scheduled this Sunday, September 30: “Para sa akin kasi, it’s weird. Kasi lahat sila, meron silang ibang genre. Sana kung may award na Best in Genre, lahat sila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results