Gabbi Garcia ready to be paired with a new leading man

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia, who has been paired up onscreen with Ruru Madrid until recently, says it feels great to interact with new actors after being in a love team for years.


Bago umere ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Pamilya Roces, nakapag-guest pa ang Kapuso star na si Gabbi Garcia sa prime-time fantaserye na Victor Magtanggol. Dito ay muli niyang ginampanan ang papel bilang Alena, isa sa apat na Sanggre ng Encantadia.

Natuwa si Gabbi dahil nagkaroon silang mga Sanggre ng pagkakataong magkasama-samang muli.

Samantala, parang breath of fresh air kay Gabbi ang bagong teleserye dahil bagamat may mga nakatrabaho na siya dati sa cast, marami pa raw miyembro kabilang na ang director nila ay ngayon lang niya nakasama.

Ayon kay Gabbi, “Nag-eenjoy po ako at marami po akong mga bagong katrabaho at mga dating nakatrabaho. Like si Ate Carla [Abellana], nakatrabaho ko sa una kong teleserye, sa My Destiny. 

“'Tapos si Direk Joel Lamangan, first time ko po siyang makatrabaho. So masaya po. Interesting din siya for me kasi dito po, story po ng limang magkakapatid pero galing sa three families. Ang pinakatuktok, si Tito Roi Vinzon.”

Storycon pa lang daw nila para sa Pamilya Roces, napa-wow na siya sa nakita niyang casting.

“Ang daming poste,” sabi niya, na ang tinutukoy ay mga artistang haligi na sa industriya.

Aniya, “Pressure rin kasi si Tita Gloria Diaz ang mommy ko rito. Yung character ko as Jade, part po ng original family. Ano siya, misinterpreted at yung color palette ko rito, green pa rin, parang si Alena pa rin.

“So yun po, outspoken siya, palaging may pinaglalaban but she means good.”

Aliw ang kuwento ni Gabbi tungkol sa director nila na si Direk Joel kunsaan, nanginig daw siyang talaga.

Pero hindi naman daw siya napapagalitan.

“Inunahan ko ng takot,” lahad niya.

“Siyempre first day, ang dami kong tinatanong na artista. 'Kumusta po si Direk Joel?' You really have to work your way. He means work when he’s on the set, he means work talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang naka-mindset na ko first day pa lang na I really have to work. I really have to memorize all my lines. And first day po, aaminin ko nanginig ako. Ngayon lang ako nanigas sa set.

“Parang kinondisyon ko na ang utak ko na ganito. Pero after nung first day, relax na po ako.”

Unang teleserye ni Jasmine Curtis-Smith sa Kapuso network ang Pamilya Roces.

Kumusta itong katrabaho?

Sagot ni Gabbi, “Si Jas okay siyang katrabaho. Madalas sa standby area magkatabi kami and we really get along. Sa mga kuwento, we can relate and parang we have a lot of common friends, parang same circle rin.

“Madaling makipagkuwentuhan kay Jas. Napakatalinong tao, napaka-sensitive.”

Katulad ni Jasmine, unang teleserye rin ng bagong Kapuso na si Manolo Pedrosa ang Pamilya Roces.

“Si Manolsky,” natawang sabi niya.

“Manolsky kasi ang tawag ko sa kanya. I first met him nung look test namin for the show. And unang usap ko pa lang sa kanya we got along na. He’s very approachable. At siya ang tipo ng taong gustong-gusto niyang mag-work.

“Nakaka-motivate siya dahil as in gustong-gusto niyang mag-work. Gusto niya yung segue-segue. 

“So parang ako, sige okay, work tayo.”

Sa October 8 na ang pilot ng Pamilya Roces sa prime-time block ng GMA-7. Sa ngayon, wala pa raw established na magkakapareha o magkaka-love team.

Pero sa kuwento, tila napapagitnaan daw nila ni Jasmine si Manolo kaya posibleng sila ang magkaroon ng love interest.

Si Gabbi ay galing sa GabRu love team nila ni Ruru Madrid. Okay lang ba sa kanya na bago ang kanyang leading man?

“Kahit sino naman okay lang,” sagot ng 19-year-old actress.

“I’m willing naman po to work with anybody and ang sarap din naman po ng feeling that I can interact with others. Kasi sa buong three or four years ko, I’ve only been working with Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, may chance ako to work with anybody.”



Stories We Are Tracking

Gabbi Garcia reveals reason for leaving Sunday PinaSaya
Gabbi Garcia reveals reason for leaving Sunday PinaSaya
GMA-7 to launch new variety show; is Regine included?
GMA-7 to launch new variety show; is Regine included?
Gabbi Garcia apologizes for buckling during Chika Minute
Gabbi Garcia apologizes for buckling during Chika Minute






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN