Alden Richards on Victor Magtanggol: "The show is fighting."

Alden Richards was joined by Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza de Castro, and Sanya Lopez recently on Victor Magtanggol.


Ayon kay Alden Richards, masaya ang GMA-7 sa performance ng kanyang prime-time fantaserye na Victor Magtanggol.

Kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)  si Alden Richards nang makita namin ito sa shooting niya ng magiging webisodes ng ine-endorsong Cookie’s Peanut Butter sa Biñan, Laguna noong October 2.

“Okay naman po kami, so far, ongoing pa rin po ang taping,” ang lahad naman ni Alden.

“As of now, hindi ko pa po alam kung hanggang kailan kami tatakbo. Pero so far, tuloy-tuloy pa rin naman po.”

Masaya ba siya sa mga nangyayari sa pagbabalik serye niya?

“Opo, okay naman po, the show is fighting. Okay naman po ang standing at ang network naman po ay very much happy with the performance. Kasi kahit paano the slot became better po when Victor Magtanggol came.

“So sa ngayon po, happy po ako sa mga nagiging effect sa mga viewers, lalo na po sa mga bata.”

Ramdam na ramdam ng Pambansang Bae ang nagiging epekto ng karakter niya lalo na raw sa mga batang nanonood.

Sabi nga niya, “Nakikita ko po ‘yan.

“Minsan po ang mga bata ang tawag sa akin Victor Magtanggol. Hindi lang po sila, pati ang mga working class po natin. Mga security guards, construction workers na kapag nakikita po ako, ang tawag sa akin Victor.”

Pero kuwento ni Alden, minsan daw ay nalilito rin siya kapag tinatawag siyang Victor kapag kasama niya ang kanyang production assistant na si TenTen Mendoza na kilala rin sa Eat Bulaga bilang si Kendoll Mendoza.

Ayon kay Alden na natatawa, “E, minsan kapag kasama ko si Mama Ten, hindi ko po alam kung sino ang tinatawag. Kung siya o ako. Kasi, Victor Mendoza ang pangalan niya. Siya po ang tunay na V.M.”

Mas tinatawag ba siyang Victor kesa Hammerman?

“Kapag bata, Hammerman. Kapag matatanda, Victor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong din ni Alden, “Actually, very much happy po ako talaga na nakakapagbigay po ako ng inspiration.

“Kasi, yun naman po talaga ang purpose ng mga shows na ginagawa natin. To give an inspiration. To set an example, especially sa mga bata since after news siya, marami pong batang gising, yun po ang nakikita naming magandang naidudulot ng Victor Magtanggol ngayon.”

Pumasok at nawala na rin ang apat na Sang’gres ng Encantadia na sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla.

Parang nagbigayan sila dahil noong Encantadia, siya naman ang nagkaroon ng special guest appearance.

“Yes po, tapos ngayon po, sila naman ang nag-guest,” saad niya.

“Parang ibang feel po kasi, after nila Kuya Benjie Paras and Chariz Solomon, parang sila po ang naging second guest namin, silang apat.

“Iba po ang naging atmosphere ng set. At ang ganda po ng idea na nakakapag-guest kami sa show para mabigyan ng bagong flavor yung mga episodes na napapanood.”

Bilang bahagi rin siya ng creatives ng Victor Magtanggol, tinanong namin si Alden kung may mga naiisip pa ba siya o pina-planong i-guest.

Ayon dito, “Sa guest po, hindi po ako dun, it’s more on the network.

“I’m more of the story po kung ano pa ang puwedeng gawin especially sa fight scene kung paano pa mapapaganda. Yung takbo ng story, sa family angle, dun po kasi mas nakaka-relate ang mga audience natin and sa action, so dun po kami naka-concentrate.”

Kinamusta rin ng PEP.ph si Alden sa working relationship niya sa cast ng teleserye tulad ng gumaganap na ina niya na si Ms. Coney Reyes, at ang jbang co-stars niya tulad nina John Estrada at Janine Gutierrez.

“Walang bigat po, e,” ani Alden.

“Walang bigat ang cast namin sa Victor Magtanggol. Very much ano po kami--through thick or thin, sama-sama po kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang maganda po sa set namin, all positive attitude po. Nadadala ka, e. So lahat po kami going to one goal.”

Natapos na ni Alden ang sold-out concert niyang Adrenaline Rush at nakapag-release na siya ng bagong album, ang Until I See You Again na sa unang araw pa lang na ni-release ay nag-Top 1 na sa mga digital stores.

Ano pa ang mga susunod na aabangan sa kanya?

“Baka gumawa po ako ng pelikula, early next year,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN