"Super Twins" beats "Maria Flordeluna" on their pilot episodes


Both Maria Flordeluna and Super Twins premiered on Monday, February 12, with the GMA-7 fantaserye getting the upper hand.



Nanaig muli ang GMA-7 sa weekend ratings, mula sa mga nagtapos na shows at sa mga bagong bukas.

Nagsabay ang farewell episodes ng Atlantika ni Dingdong Dantes at Super Inggo ni Makisig Morales last Friday, February 9. The GMA-7 fantasy series ended with a 30 percent overnight ratings based on the official overnight results from AGB NMR Mega Manila, samantalang naka 27.9 percent ang ABS-CBN fantasy soap.

Ang AGB Nielsen Media Research ay isang organisasyon na sumusukat ng impormasyon tungkol sa audience ng mga television shows.

Magkatapat din ang dalawa sa primetime lineups ng mga respective networks nito.

Monday, February 12, nagsabay rin ang pilot ng mga pamalit na programa sa Atlantika at Super Inggo—ang Super Twins nina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, at Dennis Trillo para sa GMA-7 at ang Maria Flordeluna nina Vina Morales, Albert Martinez, Eula Valdes, at Eliza Pineda para sa ABS-CBN naman. Nagtala ng overnight rating ang Super Twins ng 35.94 percent versus 28.08 percent para sa Maria Flordeluna base sa inilabas ng AGB NMR.

Inilabas na rin ng AGB NMR ang Mega Manila Households ratings for the January 1 to 28 period. Labing-tatlo sa top 20 weekday primetime programs ay mula sa Kapuso network, including the top three—ang Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel Locsin, Captain Barbell ni Richard Gutierez, at ang primetime news program na 24 Oras.

Hindi rin natinag sa second round ang mga bagong bukas na Sundays shows ng GMA-7, ang Magic Kamison at Mga Kuwento Ni Lola Basyang.

Nag-rate ang sophomore episode ng Magic Kamison ng 14.7 percent against the two loveteam shows Your Song at 12 percent at Love Spell at 10.1 percent.

Naka-18.7 percent naman ang second story ni Manilyn Reynes (Mga Kuwento Ni Lola Basyang) na "Ang Prinsipeng Unggoy" starring Mark Herras and Katrina Halili against TV Patrol Sunday edition na 15.7 percent


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN