Anthony Taberna investigates cargo truck "jumpers" in "Kalye"


In tonight's episode of Kalye, Anthony Taberna investigates about the modus operandi of cargo truck "jumpers" operating in Del Pan Bridge.



Matagal ng problema ng mga biyahero ang talamak na nakawan sa Del Pan Bridge sa Maynila. Kapag na-trapik o nasiraan ang isang cargo truck, tiyak mababawasan ang karga nito dahil sa "jumper" na nakilala na ni Anthony Taberna. Sa pagnanakaw niya binuhay ang kanyang pamilya at ipinasa niya ang masamang gawain sa anak. Siya ngayon ang magbibigay ng impormasyon kung paano nga ba sumasalakay ang mga "jumper."


Sa Tondo, Maynila kung saan maraming mga siga at grupong madalas na nasasangkot sa gulo, may bagong libgangan ngayon ang mga batang Tondo. Aalamin ni Atom Araullo ang footkal o football sa kalye, isang laro na nagsisilbing libangan nila at pakikinggan ang mga kuwento ng mga kabataang dati ng naligaw ng landas pero ngayon ay pilit na nagbabago sa pamamgitan ng mga bagong barkada sa kalye.


Ginalugad ni Sol Aragones ang mga ospital sa Maynila kung saan maraming pasyente pa rin ang may denge. Matindi ang dengue virus. Nakaka-alarma na ang bilang ng mga namamatay dahil sa dengue. Wala ng pinipiling estado sa buhay ang sakit na ito. Kahit gaano kaingat ang mga magulang, wala pa ring kasiguraduhan na hindi sila made-dengue.


Abangan ang mga kuwento ng lansangan nina Anthony, Sol, at Atom sa programang Kalye ngayong Lunes (November 3) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN