Former TV5 Princess Sophie Albert reveals why she's happy to be a Kapuso

IMAGE Noel Orsal

Sophie Albert on new home network, GMA: "Sobrang bait nilang lahat sa akin. Never nagkaroon ng any bad vibes, I'm treated with so much love and respect in this network kaya sobrang happy ako dito."



Tuluyang nawala sa limelight ang mga tinaguriang TV5 Princesses na sina Sophie Albert, Jasmine Curtis-Smith, Eula Caballero, at Ritz Azul nang magsara ang entertainment department ng Kapatid Network noong kalagitnaang bahagi ng taong 2015.

Pero, hindi ito naging sagabal sa mga nasabing artista na magpursige ng kanilang mga trabaho sa ibang TV stations.

Si Eula ay nagpakasal na sa kanyang boyfriend na si Christian Samson sa Amerika na nakilala niya noon sa artista search ng TV5 na Star Factor.

Si Ritz naman ay mainstay na ng Banana Sundae sa ABS-CBN, at sina Jasmine at Sophie ay magkasama ngayon sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pamilya Roces.

Napanood rin si Sophie sa ABS-CBN show na Ipaglaban Mo noong 2014.

Ayon kay Sophie, na nagwagi bilang Best Actress sa Artista Academy ng TV5, masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network.

Saad niya sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang October 3, “It’s very refreshing.

"Honestly, the way I have been treated here is beyond anything I’ve ever thought I would be treated.

“Sobrang bait nilang lahat sa akin.

"Never nagkaroon ng any bad vibes, I’m treated with so much love and respect in this network kaya sobrang happy ako dito.”

Mapapanood na si Sophie sa primetime ng GMA simula ngayong gabi, October 8, via Pamilya Roces.



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN