Thea Tolentino feels challenged portraying transwoman

IMAGE Noel Orsal


Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap ang Kapuso actress na si Thea Tolentino bilang isang transwoman sa Asawa Ko, Karibal Ko ng GMA-7.

“I'm honored na nabigyan ako ng chance ma-portray ang ganitong ka-challenging ng role and the show itself kasi sobrang saya ko na part ako ng isang show na makakapag-promote ng equality sa viewers.

“Siyempre may kaba ako dahil first time ko nga and hindi ko pa alam ang kakalabasan ng mga gagawin ko but I hope na maiparating ko ng maayos ang message ng aking character sa mga viewers."

Dahil isang transwoman ang papel ni Thea sa upcoming teleserye, hiningan namin siya ng komento tungkol sa pagkakasali ng isang transsexual woman (si Angela Ponce ng Spain) sa Miss Universe sa December sa Bangkok, Thailand.

Pabor naman raw si Thea dito.

“Okay naman sa akin. 'Miss' Universe nga, di ba? Mga babae rin ang mga transwomen so wala naman akong nakitang mali.”

Sa Asawa Ko, Karibal Ko ay siya ang ka-love triangle nina Kris Bernal at ng nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz.

Bukod kay Katrina Halili ay si Thea ang itinuturing na pinakamahusay na kontrabida sa GMA.

“Siyempre masaya dahil pinagkakatiwalaan ako ng network sa bawat role na ibinibigay nila sa akin lalo na itong sa Asawa Ko, Karibal Ko na talaga namang napaka-challenging.

Samantala, tinanong namin si Thea kung sino pa ang artista na gusto niyang “apihin” sa isang teleserye na hindi pa niya nakaka-trabaho.

“Hindi naman sa apihin pero gusto kong makatrabaho si Bianca Umali. Napapanood ko kasi siya sa mga teleserye niya at nakakasama ko siya sa workshop pero hindi pa kami nabibigyan ng chance na magkatrabaho on TV ever.

“At saka isa si Bianca sa mga kilala kong magagagaling na actress at napaka-professional niya,” pahayag pa ni Thea na nakausap namin sa Marikina City sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko na mapapanood na simula October 22 sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Kris, Rayver at Thea ay nasa Asawa Ko, Karibal Ko sina Lotlot de Leon, Ricardo Cepeda, Jean Saburit, Maricris Garcia, Analyn Barro, Matthias Rhoads, Kevin Santos, Devon Seron, at Jason Abalos.

Ito ay sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN