Nora Aunor says her vocal surgery will be done by doctor who operated on Julie Andrews

Nora Aunor still unsure when to have vocal surgery.
by Rose Garcia
Oct 22, 2018
Nora Aunor still hopes she can come back to singing. The Superstar says her vocal surgery will be done by the doctor who also operated on Julie Andrews.


Halos papuri ang narinig namin mula sa katrabaho ni Nora Aunor sa Onanay, nang dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng GMA-7 prime-time series.

Mabait, mahusay at propesyunal daw itong katrabaho.

Makikita nga kay Ate Guy, palayaw ni Nora, na masaya siya sa ginagawa niyang Kapuso teleserye.

“Masaya naman po kami. Masaya kaming lahat, pare-pareho kaming masaya,” positibo sagot ni Nora sa interview na ginanap sa Sta. Mesa, Manila noong October 12.

Isa sa madalas na inaabangan sa Onanay ay ang mga kumprontasyon nila ni Cherie Gil.

“Alam niyo naman si Cherie, e, idol ko yun,” nakangiting sabi ng Superstar.

“Walang biro, ngayon lang kami nagkasama sa teleserye na ganito. First time talaga,” saad niya.

“Kaya yung respetuhan nandiyan.

“Minsan nga, ako pa ang nagkakamali kapag siya ang ka-eksena ko.”

Totoo ba yun?

“Oo naman at hindi naman masamang aminin yun. Yun naman talaga ang nangyayari. Minsan, mainit, hinahapo rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masarap din daw ka-trabaho ang mga batang artista tulad nina Mikee Quintos, Kate Valdez, at ang gumaganap na anak niya na si Jo Berry.

“Si Maila [Mikee], okay si Maila. Si Kate, okay rin. Pero si Maila kasi ang apo ko rito kaya siya ang madalas kong kasama.”

Nararamdaman ba niya na intimidated sa kanya ang mga katrabaho, lalo na ang batang co-stars niya?

“Hindi naman,” tanggi niya.

“Hindi naman, magagaling naman kasi sila.

“Lalo na yung anak ko, si Jo Berry. Naku, bilib ako run. Sa memorya, bilib ako. Mabait na bata. Malambing.

“Ewan ko ba run kung bakit masyado akong napalapit ang puso ko sa batang yun. Para ngang anak ko na, e.”

Masaya si Ate Guy na nabigyan ng pagkakataon ang mga tulad ni Jo na may dwarfism na gumanap sa isang karakter na seryoso naman at hindi pinagtatawanan.

Ayon kay Nora, “Natuwa talaga ako at saka talagang dapat lang bigyan ng pagkakataon. Tulad ni Jo Berry na nabigyan at nakitaan ng galing sa pag-arte. Hindi lamang sa pag-arte, yung sinasabi ko ngang pati ang pag-uugali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, dito mo makikita ang tunay na pag-uugali ng isang tao kapag nagkakasama kayo.”

Dahil masaya siya sa paggawa ng Onanay, posible bang gumawa uli siya ng teleserye?

“Loobin,” nakangiting sagot niya.

“Loobin ng Panginoon, pero baka ito na muna ang last ngayong taong ito.”

Sa pelikula, may mga sisimulan daw siyang gagawin pero hindi pa raw niya maikukuwento kung ano ito.

“Ayaw pang pasabi, e,” lahad niya.

May balita na naman na magsasama raw sila ng kanyang kumare, ang Star for All Seasons at congresswoman ng 6th district ng Batangas na si Vilma Santos.

“Matagal nang chismis yun, hindi ko alam,” saad ni Nora tungkol sa kanyang former rival.

Pero may bago na naman ngayon na yun nga raw, magsasama na sila. Kung sakali, okay sa kanya na mag-trabaho silang muli?

“Walang problema sa akin.

“Kaya lang ang kumare ko lang, busy masyado. Lalo na ngayon, mangangampanya siya, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VOCAL SURGERY

Aminado ang Superstar na nami-miss na niya ang pagkanta kunsaan talaga siya unang nakilala. Pero dahil hindi raw niya makarausan pa ang magpagamot, kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya ito nagagawa.

“Wala pa rin akong boses,” saad niya.

“Namamaos na ko kasi nga, masyado pang mainit.”

Dugtong pa niya, “Kagaya ngayon paano pa ko makakaalis? Gustuhin ko man, paano ako makakaalis, meron akong Onanay.”

Mabilis lang naman daw ang operasyon, ang matagal daw ay ang pagkatapos ng operasyon.

Aniya, “Mabilis lang ang operasyon pero ang matagal, yung recovery. Magpapa-therapy ka pa. Sa New York pa yun, aabutin pa siyempre ng ilang buwan yun.”

Hindi naman maiiwasan na marami pa rin na Noranians ang nakaka-miss sa kanya bilang isang singer.

“Ako ang apektado,” pag-amin niya.

“Apektado akong talaga lalo na kapag may mga nariirinig akong kumakanta na magagaling ang boses. Minsan nga, naiisip ko, sana nakakanta na ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First love pa naman niya ang pagkanta.

“Oo naman, hindi ko makakalimutan ang pag-awit dahil doon ako nakilala ng mga tao. Kaya hangga’t maaari, hangga’t maaari talaga, gusto kong maibalik.”

Kapag naoperahan naman na raw siya, maibabalik naman na ang singing voice niya.

“Ang sabi kasi ng doctor sa Boston, hindi naapektuhan ang vocal cords. Meron lang tinamaan na medyo malalim ng konti na yun ang ooperahan.”

Magpapa-opera pa rin ba siya?

“Oo, may awa ang Diyos, baka puwede pa.”

Dugtong pa niya, “Ang dami rin na nawawala sa akin.

“Hindi lang yun, e. Yung mga tao talaga na naghihintay para makakanta ko. Kapag naayos ang boses ko, puwede akong mag-concert kahit saang probinsya.

“Hindi lang dito, pati sa States, mabibigyan natin ng aliw ang mga tao talaga sa pamamagitan ng pag-awit.”

Posible kayang sa isang taon na niya gawin ang pagpapa-opera?

“Sana... sana... ang nakakatakot din kasi, yung anesthesia. Pero sabagay alam naman ng doctor yun kung puwede o hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka naman ninenerbiyos siya na magpa-opera?

“Hindi,” tanggi niya.

“Malalaman naman ng doctor kung puwede o hindi. At saka, yung nag-oopera, yung nag-opera kay Julie Andrews. Mas grabe pa raw yung sa kanya kasi talagang vocal cords.”



Read Next
Read More Stories About
Nora Aunor, onanay
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor still hopes she can come back to singing. The Superstar says her vocal surgery will be done by the doctor who also operated on Julie Andrews.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results