Kris Bernal admits getting kilig working with Rayver Cruz

IMAGE Rommel Gonzales

Kapuso actress Kris Bernal admits feeling giddy whenever she gets to work with her longtime crush Rayver Cruz on the set of her new GMA-7 teleserye Asawa Ko, Karibal Ko: "May days kasi na parang hindi maganda ang mood natin, di ba? Pero kapag nakita ko na si Rayver sa set at ngumiti na siya, nawawala ang bad mood ko!''


Sa bagong pinagbibidahan ni Kris Bernal na Asawa Ko, Karibal Ko ay sobra ang pasasalamat niya sa GMA-7 dahil pinagkatiwala sa kanya ang isang magandang teleserye.

"Pasensya na kung masyado akong naging emotional.

''Naiyak talaga ako kasi sa sobrang tuwa ko.

"Matagal din akong naghintay after Impostora pero it was worth the wait.

''Never naman akong nagduda sa GMA-7 pagdating sa career ko dahil pinag-iisipan talaga nila ang project na ibibigay sa akin," kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong media launch ng bagong GMA-7's Afternoon Prime teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko na ginanap noong nakaraang October 8 sa GMA Network Center.

KILIG MOMENTS WITH RAYVER

Mas nadagdagan pa raw ang tuwa ni Kris nang sabihing si Rayver Cruz ang isa sa leading men niya sa bago niyang serye.

"Noong sabihin na sa akin ang tungkol dito sa Asawa Ko, Karibal Ko, at si Rayver Cruz pa ang leading man ko, haay... kinilig ako bigla!

"As in, nakangiti ako the whole day, kasi nga super crush ko si Rayver noong wala pa ako sa showbiz.

''As in, Anime days pa niya!"

Ang Anime ay ang former all-boy dance and singing group ng ABS-CBN noontime show na ASAP.

Pagpapatuloy ni Kris:

"Sa totoo lang, every taping day namin ni Rayver, kinikilig ako!

"May days kasi na parang hindi maganda ang mood natin, di ba?

''Pero kapag nakita ko na si Rayver sa set at ngumiti na siya, nawawala ang bad mood ko!

"Para lang akong high school girl na kinikilig!

"Kaya I look forward sa taping namin talaga. Makikita nila ako na super-smile kahit pagod!" tawa pa ni Kris.

Pero may boundaries naman daw si Kris dahil may boyfriend siya at nali-link din si Rayver kay Janine Gutierrez.

Paninigurado niya, "Hindi naman ako flirt, di ba?

''Never naman akong nabalitang gano'n kahit na kinikilig ako sa mga naging leading men ko in the past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung kilig ko kay Rayver, hanggang doon lang yun. Parang ngang high school girl lang.

"Wala naman akong balak na agawin ang atensyon niya kay Janine, di ba?

"Tsaka I respect other people's relationships.

''Kung gusto mo ring irespeto ka, respect each other's boundaries, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN