Thea Tolentino can't help but compare suitors to ex-boyfriend Mikoy Morales

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino admits that she can't help but compare her suitors to ex-boyfriend Mikoy Morales: "Kapag wala akong nakitang isang trait ni Mikoy sa guy na ito, nawawalan ako ng gana. Ewan ko po, pero gano'n talaga."


First time na makatrabaho ni Thea Tolentino si Kris Bernal sa bagong GMA-7 Afternoon Prime teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko.

Hinahanggan daw ni Thea si Kris dahil sa husay nitong umarte, kaya natuwa ito nang malaman niyang makakasama niya ito sa kakaibang teleserye.

"Pinapanood ko po si Kris talaga.

''Lalo na sa Impostora na dual role siya.

"Isa siya sa gusto kong makatrabaho talaga kasi ang galing niya.

"Sa Asawa Ko, Karibal Ko ay lalabas po ako na si Venus, pero ako ang dating mister ni Kris sa teleserye na si Nathan [played by Jason Abalos].

"Closet gay kasi noong una si Nathan hanggang sa mabuking na siya ni Rachel [played by Kris].

''E, pangarap ni Nathan na maging isang tunay na babae kaya biglang nabuhay si Venus na isang transwoman pala.

"Kung paano naging babae si Nathan, iyon ang abangan nila sa teleserye namin," kuwento ni Thea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Network Center noong nakaraang October 8.

TRANSWOMAN CHARACTER

Kinailangan daw pag-aralan pa ni Thea ang mga kilos ni Jason para maisama niya iyon sa kanyang ginagamapanang transwoman character.

Sa mga maliliit na kilos daw na iyon malalaman na siya ang dating Jason na inakalang namatay na.

"May mga kilos kasi si Nathan dito na ang nakakapansin lang ay ang wife niya.

"Sa mga kilos po na iyon malalalaman ni Kris na ako ang matagal nang namatay niyang asawa, pero naging babae na ngayon.

"Kaya sa pilot week ng teleserye, tututukan ko po ang mga kilos ni Jason para magaya ko at pati na ang paraan ng pananalita niya," saad niya.

NO ONE COMPARES TO MIKOY

Sa personal na buhay ni Thea, wala pa rin daw itong nagiging boyfriend pagkatapos nilang maghiwalay ni Mikoy Morales noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Thea na may mga nagpaparamdam sa kanya, pero lagi raw niyang naikukumpara ang mga ito kay Mikoy.

"Hindi ko po mapigilan kasi na ma-compare sila kay Mikoy.

"Yun nga raw ang problema ko kaya hindi ako maka-move on.

"Sa totoo lang, matagal na akong naka-move on sa break up namin ni Mikoy. Good friends po kami ngayon.

"Pero kapag may iba na nandiyan, si Mikoy pa rin ang nasa isip ko.

"Parang nasanay na po kasi ako na si Mikoy lang ang nakarelasyon ko.

"Kapag wala akong nakitang isang trait ni Mikoy sa guy na ito, nawawalan ako ng gana.

"Ewan ko po, pero gano'n talaga.

''Malaking part ng buhay ko ay nandoon si Mikoy kaya hindi ko basta makalimutan," diin pa niya.

THOUGHTFUL

Isa raw sa magandang trait ni Mikoy ay ang pagiging thoughtful nito, lalo raw noong dumaan sa isang operasyon si Thea.

Kahit hindi na raw sila ay nandoon pa rin daw ang pagiging caring ni Mikoy at lagi siyang pinapaalalahanan na mag-ingat.

"Iyon po yung nagpatanggal ako ng breast cyst noong May 2018.

"Noong malaman niya, nagpadala siya agad ng message sa akin to get well soon.

'''Tapos, nag-send pa siya ulit ng text na magpagaling ako agad.

"Mga gano'ng small things na ginagawa ni Mikoy ang nakakatuwa.

''Na kahit hindi na kayo, nandoon pa rin ang concern niya," pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN