Elizabeth Oropesa nixes political offers: "Baka lang ako makapatay o mapatay ako."

IMAGE Noel Orsal

Elizabeth Oropesa explains why she keeps on turning down offers for her to run for public office: "Talagang wala talaga sa dugo ko ang maging pulitiko. Baka lang ako makapatay o mapatay ako. Huwag na lang. Tahimik ang buhay ko."


Kamakailan pala ay inalok muli ang aktres na si Elizabeth Oropesa para tumakbo sa eleksyon sa Mayo next year, pero muli ay tumanggi ang aktres.

Noon pa raw April of this year ay inalok na siyang tumakbong mayor sa bayan ng Guinubatan sa Albay, pero tinanggihan rin niya.

At ilang linggo lamang ang nakakaraan mula noong inalok naman siyang tumakbo sa Quezon City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elizabeth sa presscon ng bagong Kapuso teleserye na Pamilya Roces.

Ginanap ito noong October 3 sa Prime Hotel sa Quezon City.

Hindi na sinabi ni Elizabeth kung saang puwesto siya inaalok.

Lahad niya, “E, huwag na lang nating banggitin, kasi hindi naman ako interesado talaga.

“Talagang wala talaga sa dugo ko ang maging pulitiko.

“Baka lang ako makapatay o mapatay ako.

“Huwag na lang. Tahimik ang buhay ko.”

REUNITED WITH GOOD FRIEND

Sa Pamilya Roces ay magkasama sila ng 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz.

Maituturing na “classic” ang pinagsamahang nilang pelikula noong 1974, Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa.

Kumusta ang pagsasama nilang muli ni Gloria?

“As usual, away-bati kami.

“Napaka-bully ng bruhang yun, e!

“Sinungaling pa,” bulalas ni Elizabeth.

Sa tunay na buhay?

Pagsang-ayon niya, “Oo, sa tunay na buhay!

“Akala mo ba, away kami nang away.

“Lahat ng laman na pagkain sa bag ko hinalungkat niyan, hinihingi.

“Ay, sa totoo lang!

“'Tapos, sasabihin, ‘Pupunta ka?’ ‘Bakit, pupunta ka ba?’

“Sasabihin ko oo pero hindi ako pupunta... yung mga ganyan, sa mga lakad-lakad.”

Ganoon daw silang magmahalan ni Gloria bilang magkaibigan.

Pagklaro niya, “We’re actually very good friends that’s why she can get away with it.

“We’re very, very close.

“Magkaibigan kami kahit na nung bata pa kami.

“Kahit hindi kami madalas magkasama, palagi kaming connected, you know.

“We talk to each other kahit sa ano lang, telepono, even before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHALLENGED BY ALL-OUT COMEDY ROLE

Sa Pamilya Roces ay gumaganap si Elizabeth bilang si Violet Bolocboc na kikay at mataray na babae.

Bulalas niya, “Anak ng patola, napakahirap nito, ah!

“Hindi ninyo ba napansin, na nobenta porsiyento ng mga ginagawa ko, palagi akong pobre, umiiyak at nagda-drama?

“Tsaka kung mag-comedy man ako, like in my forty plus, fifty years in showbiz, siguro dalawang beses lang ako nag-comedy, at hindi pa yung katulad dito.

“Ito talagang all-out, all-out, full comedy.

“And you know it’s more difficult to make people laugh than to make people cry.”

At may mga nagsasabi na siya ang standout sa show.

Aniya, “E, kasi lumabas yung normal ko.

“E, alam niyo naman ako, yung normal ko ganito na talaga.

“Hindi naman ako ganun kaseryoso, akala lang nila.”

Hindi nakakontrata sa GMA bilang artista si Elizabeth.

“Wala, love lang nila ako,” hirit niya.

Per project o per show ang trabaho niya bilang Kapuso.

WORKING WITH DIREK JOEL

Maraming beses na niyang nakatrabaho ang Pamilya Roces director na si Joel Lamangan, sa telebisyon man o sa pelikula.

Siguro naman ay hindi na siya nasisigawan ni Direk Joel.

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi! Palagi akong sinisigawan niyan!

“Because he knows he can get away with it.

“Alam niyang mahal ko siya.

“Pag sumigaw siya, naka-smile lang ako, 'tapos sinasabi ko, ‘I love you too!’

“Basta nandiyan ako sa set on time e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN