Andrea Torres flattered by comparisons to Gal Gadot

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on being compared to Gal Gadot of Wonder Woman fame: "Pag superhero naman na babae parang yun talaga yung top of anyone's mind e, si Wonder Woman. E, fan din ako."


May mga avid viewers ng Victor Magtanggol na ikinukumpara si Andrea Torres kay Gal Gadot, ang Hollywood actress na sumikat sa pelikulang Wonder Woman.

Bilang si Sif sa Victor Magtanggol ay seksing superheroine din si Andrea.

Kinilig si Andrea at tila hindi makapaniwala nang banggitin namin ito sa kanya.

Lahad niya, “Siyempre isa din yun sa mga peg ko rin talaga, kasi kakalabas lang nung movie, di ba?

“Pag superhero naman na babae parang yun talaga yung top of anyone’s mind e, si Wonder Woman.

“E, fan din ako.”

TRAINING

“Grabe” kung i-describe ni Andrea ang mga napanood niyang videos ng training ni Gal bilang paghahanda sa kanyang role

Nag-training din naman si Andrea, pero hindi kasing intense ng ginawa ni Gal.

Aniya, “Ako lang ang gumawa ng sarili kong program, kung paano mas maging maganda yung atake sa role as Sif.”

Nag-research lang daw siya online ng mga puwedeng gamitin niyang pang-training, at hanggang ngayon ay nagte-training pa rin siya.

Dagdag pa niya, “Oo, continuous naman.

“Kahit na puyat nagdyi-gym pa rin naman ako, gumagawa ako ng way.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa taping ng Victor Magtanggol nitong nakaraang Miyerkules, October 17, sa Sta. Ana Elementary School.

Ano ang pinamahirap o pinaka-challenging at dangerous na stunt na ipinagawa sa kanya sa Victor Magtanggol?.

Pagbabalik-tanaw niya, “Pinakamahirap siguro yung ginawa naming fight scene na sobrang dami kong kalaban na mga kawal.

“Ang haba nung paggawa nun, parang commercial, e.

“May storyboard talaga e, 'tapos hati-hati kasi siya, e.”

Mag-isa raw siyang nakipaglaban sa maraming mga kawal sa naturang eksena na halos kalahating araw kinunan.

“'Tapos ang daming shots, siyempre mag-isa lang ako.”

May eksena rin daw sa Victor Magtanggol kunsaan totohanang nasaktan si Andrea.

Saad niya, “Pero mga ano lang naman, mild lang naman.

“Like ito, recently lang, nagkasakitan kami ni Pancho sa in-ere kaninang sword fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos, marami na akong ano sa paa e, marami na akong pasa, tsaka mga cuts.”

Gumaganap si Pancho Magno bilang si Modi sa Victor Magtanggol ng GMA na pinagbibidahan ni Alden Richards kung saan leading ladies sina Andrea at Janine Gutierrez bilang Gwen Regalado.

LESSER BASHERS

Samantala, ramdam ni Andrea na tila nababawasan na ang mga bashers niya, kumpara noong una siyang isinama sa cast ng Victor Magtanggol.

Sa palagay niya, bakit tinigilan na siya ng mga bashers?

Pahayag niya, “Siguro nakatulong din na hindi ko na pinapalaki yung…

“Kung ano man yung mga issues na binibigay sa akin, hindi ko naman ugaling palakihin.

“Kahit di ba may option ka naman talagang… lalo na social media, puwede mo namang i-post or puwede kang mag-react talaga anytime, pero mas gusto ko kasi tahimik lang.”

Naniniwala ba siya na sa wakas ay natanggap na ng ibang mga fans nina Alden at Maine Mendoza na magkatrabaho lang talaga sila ni Alden?

May mga AlDub fans kasi, although hindi naman lahat, na nagselos kay Andrea ng napasama sa cast ng Victor Magtanggol.

Patuloy niya, “Siguro nakita nila yun na ano... professional naman ako sa lahat ng soap na sinalihan ko.

“More on work talaga, tsaka kasi ano ako, e...

“Parang hindi naman ako nagwu-work lang dahil lang…

“Of course, given na gusto ko yung trabaho ko, pero meron din akong mga goals for my family, so yung focus ko nandun talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN