Jo Berry on Nora Aunor: "Parang anak na po talaga ang turing niya sa akin."

Onanay star Jo Berry thankful for inspiring people with dwarfism.
Oct 26, 2018
Jo Berry is overwhelmed with life changes after starring in GMA-7's prime-time series Onanay. But more than anything, she says, she's thankful she gets to inspire other people especially those who has dwarfism like her. "Masarap po sa feeling ko kasi bago pa man mag-start, yun po talaga ang goal ko, yun po ang gusto kong mangyari, maka-inspire ng tao."


Walang-duda na malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Jo Berry dahil sa pagiging bida niya sa prime-time series ng GMA-7 na Onanay. Ngunit para sa aktres, mas nagpapasalamat ito sa positibong epekto na naibibigay ng show sa ibang tao.

“Ano po sila, ang laging natatanggap ko na message is nagpapasalamat po sila kasi, nai-inspire po sila. Masarap po sa feeling ko kasi bago pa man mag-start, yun po talaga ang goal ko, yun po ang gusto kong mangyari, maka-inspire ng tao,” lahad ni Jo.

Sabi pa niya, “At yun po ang palaging sinasabi nila ngayon kahit hindi nila ko kakilala.

“Na-experience ko na rin po ngayon na pinapadalhan ako sa bahay ng flowers 'tapos may letters. Nagpapa-thank you ko.”

Maging ang mga katulad daw niyang may kondisyon na dwarfism ay talagang nagpapasalamat sa kanya.

“Nagpapa-thank you sila kasi, nag-change daw po ang tingin sa may mga dwarfism. Siyempre kung kukuha man ako ng feedback, sa kanila galing yun dahil sila ang nakaka-experience.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang dahil nga raw kay Jo, nababago kahit paano ang karakter na ginagampanan ng mga tulad niya sa telebisyon. Kadalasan kasi, sila yung palaging pinagtatawanan o minsan ay nakukutya pa nga.

Pero dahil sa kanya, nagawang posible ng Onanay na mapanood sila ng mga tao na ginagampanan ang isang seryosong karakter.

“Opo, yun rin po, sinasabi sa akin ng mga little people na nabago nga raw po, at ipagpatuloy ko lang po. Kasi sila, affected as well sa role na ginagampanan ko. Na-gain daw po ang respect.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jo sa taping ng Onanay sa Sta. Mesa, Manila kamakailan.

SUPERSTAR NANAY

Nang makausap namin ang iba pang cast ng Onanay tulad ng Superstar na si Nora Aunor, ay todo ang papuri sa kanya.

Anong masasabi ni Jo tungkol dito?

“Nagpapa-thank you po ako nang sobra kasi, hindi rin naman po ganun ang kalalabasan ni Onay kung hindi rin naman po sila ang kasama ko.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aminado naman si Jo ba talagang nahihiya raw siya noong unang taping days niya na ka-eksena niya ang mga batikang artistang kasama niya sa Onanay.

Ayon dito, “Nahihiya po ako noong una, pero kapag nahihirapan po ako, tinutulungan po nila ko. Kaya sa pakiramdam ko, dapat nga galingan ko. [Dapat] hindi ako ma-intimidate kasi mas nakakahiya kung papalpak ako.”

Ang madalas niya talagang kabangayan sa teleserye ay ang aktres na si Cherie Gil.

Hindi ba siya nai-intimidate kapag ka-eksena ito?

“Noong una po, ganun,” natawang pag-amin niya.

“Pero mabait nga po kasi siya sa akin off-cam so kapag sa eksena na po, iniisip ko na lang po yung talagang character namin.”

Si Nora naman, parang anak na raw talaga ang turing sa kanya.

Nararamdaman ba niya yun?

“Opo, nararamdaman ko yun,” aniya.

“Parang anak na po talaga ang turing niya sa akin. Kasi, kapag off-cam madali po akong pawisan, mahapo, sinasabi niya po, 'Sandali lang anak, okay ka pa ba? Pagod ka na ba?' Nanay na nanay po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang thankful po ako kasi siyempre, Superstar yun 'tapos ganun ang treatment sa akin.”

LIFE-CHANGING

Ngayon daw, mismong ang karakter niya na sa serye ang pinaghuhugutan niya ng mga emosyon.

“Character na po ngayon, e, hinuhugutan ko na po si Onay. At saka, magagaling din po kasi ang nagtuturo sa akin at mga ka-eksena ko. Si Direk Gina Alajar po, tutok po lagi.”

Pero hirap daw siya sa mga eksenang iyakan talaga dahil sa totoong buhay, masayahin naman daw siya.

“Magkaiba po sila ni Onay. Yung Jo po ay jolly person kaya magkaiba sila.”

Lahat daw ng mga nangyayari sa kanya ngayon ay hindi man lang niya na-imagine noon na posible pala.

Sabi nga ni Jo, “Hindi po, hindi ko po talaga siya na-imagine.

“Ang iniisip ko lang po noon, ang gusto ko lang noon ma-try at maka-apekto kahit little scope lang na tao for positive feedback sa mga little people. Ang laki na ng effect sa kanila ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung meron man daw nabago sa buhay niya ngayon, hindi na raw siya basta-basta nakakalabas na.

“Hindi na po ako basta nakakalabas, kasi nadudumog po ako,” nakangiting sabi niya.

“At saka hindi na rin po ako makaalis gaya ng dati na kapag nagpaalam ako, o sige, yung with friends po. Hindi na po ako basta-basta pinapayagan ng parents ko kasi alam nga po nila na iba na po.

“Pero naa-appreciate ko po ang mga fans nang sobra, kasi hindi naman po maiiwasan kapag sobrang tuwang-tuwa sila.

“Sabi nga po nila Mikee [Quintos], 'kami nga na normal ang height namin nakakapag-disguise kami, nahihirapan na kami. E, papaano pa ikaw... hindi ka pa puwedeng tumakbo kapag marami na.'

“Hindi rin po nila maiwasan na matulak ako o mahatak kapag sobrang tuwang-tuwa na sila.”

Ano yung surreal na pakiramdam sa kanya sa pagiging artista niya?

“Yun nga po, yung nare-recognize ako ng mga tao. Na darating sa punto na may mga fans na lalapit sa akin, nanginginig, umiiyak. Tapos, i-a-ask ako kung puwede ka ba kaming i-hug.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos may natatanggap ako na message na sobrang baba lang ng self-esteem niya, pero nung nakita niya akong nakikipagsabayan ako 'tapos may kapansanan pa ko, sobrang sabi ko, grabe... big deal sa akin pero mas big deal sa buhay nila dahil lang napanood nila.”

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, dumami rin ba ang manliligaw niya?

“Wow,” natawang sagot niya.

“Parang hindi naman po. At saka, hindi ko rin naman po pansin kasi halos wala naman po akong time. Marami pa po akong pagdadaanan sa showbiz kaya makakasagabal—ay, ang pangit ng word, sagabal.

“Hindi naman po... kung darating, darating po lalo na kung seryoso.”

Umamin naman si Jo na dati ay nagkaroon na rin siya ng relasyon.



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jo Berry is overwhelmed with life changes after starring in GMA-7's prime-time series Onanay. But more than anything, she says, she's thankful she gets to inspire other people especially those who has dwarfism like her. "Masarap po sa feeling ko kasi bago pa man mag-start, yun po talaga ang goal ko, yun po ang gusto kong mangyari, maka-inspire ng tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results