Ken Chan openly admits big crush on My Special Tatay co-star Arra San Agustin

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Ken Chan (left) is very vocal about his admiration for his My Special Tatay co-star Arra San Agustin (right): "Maganda talaga siya at hindi ako nahihiyang sabihin sa kanya na crush ko siya."


Nagpapasalamat si Ken Chan na marami ang pumupuri sa acting niya sa My Special Tatay bilang si Boyet, na may kundisyong mild autism spectrum disorder.

“Happy ako, nakakataba ng puso kapag may mga nagsasabi na naitatawid ko nang maayos ang role ni Boyet sa My Special Tatay.

“Mahirap siyang gawin pero nawawala ang hirap ko kapag nakakarinig ako ng magagandang feedback tungkol sa acting ko as Boyet,” pagpapasalamat niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa compound ng GMA Network Center kamakailan.

Wala pa ring girlfriend si Ken.

Huli siyang nagkaroon ng karelasyon noong ginagawa niya ang Destiny Rose noong 2015.

Hindi naman daw siya nahihirapan kahit wala siyang karelasyon o inspirasyon ngayon.

At dahil si Ken ang breadwinner sa kanilang pamilya ay trabaho lang daw muna ang inaasikaso ng 25-year-old Kapuso actor.

Inamin naman ni Ken na crush niya ang My Special Tatay co-star niyang si Arra San Agustin.

“Maganda talaga siya at hindi ako nahihiyang sabihin sa kanya na crush ko siya,” deklara niya.

Tumatawa lamang daw si Arra kapag sinasabi ni Ken na crush niya ito.

Hinahangaan ni Ken ang pagiging independent ni Arra na namumuhay nang solo ngayon.

“Well-off kasi ang mga magulang niya pero hindi siya umaasa sa magulang niya.

“Gusto niya sariling sikap niya and I find it very wife or girlfriend-material.

“Ganun si Arra, rerespetuhin mo siya talaga, kaya talagang hinahangaan ko siya,” pagpuri niya.

Kaya hindi imposibleng bumukas ang pinto ng posibilidad na ligawan niya ito.

“It’s very open!” bulalas niya.

Isa siyang ama sa My Special Tatay.

Sa tunay na buhay ba ay sigurado si Ken na walang biglang susulpot na bata at sasabihing siya ang tatay?

Paninigurado niya, “Sure ako!

“Maingat ako, e. Maingat po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN