Jonas Gaffud shares update on Benjamin Alves following father's death

IMAGE Jonas Gaffud Instagram

Jonas Gaffud (left) on talent Benjamin Alves (right), whose dad passed away last October 9: "Hindi pa kami nagkikita, 'tapos aalis na ulit siya bukas. Balik siya ulit ng Guam."


Alaga ng Mercator Artist and Model Management ni Jonas Gaffud ang Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Nitong nakaraang October 9 ay pumanaw ang ama ni Benjamin na sa Guam nakatira.

“Nasa taping siya, so nakiusap siya na puwedeng i-excuse kasi nasa emergency yung dad niya, nire-revive daw.

“Na-meet ko na din yung dad niya, naawa naman ako," umpisang kuwento ni Jonas.

"Then tumawag ako agad kay Ms. Redgyn Alba sa GMA kung puwedeng i-excuse, kasi hindi na nga niya… medyo natutuliro na siya, 'tsaka nung nabasa ko na nire-revive, medyo nakakatakot na yun, ha?

“So after natawagan ko na si Ms. Reg, tumawag na siya sa unit na papahingahin muna si Ben.

"Nag-text na siya na wala na si Daddy. Ganun kabilis yung pangyayari.

“So, tinawagan ko na ang GMA, lahat-lahat,” kuwento ni Jonas.

Heart attack daw ang ikinamatay ng ama ni Benjmain.

Nakauwi na raw si Benjamin sa Guam at nakabalik na muli sa Pilpinas pagkatapos ng cremation ng ama nito noong October 13.

“Hindi pa kami nagkikita, 'tapos aalis na ulit siya bukas.

“Balik siya ulit ng Guam.”

Muling bumalik si Benjamin sa Guam noog October 25 para samahan muna ang kanyang ina, tutal tapos na ang taping ng Kapuso actor para sa Kapag Nahati Ang Puso.

“Tapos na yung tapings niya.

“Last three days bago… nag-absent lang siya ng one taping day, pagbalik niya two taping days, and then 'tapos na.”

Twenty days daw magbabakasyon sa Guam si Benjamin, ayon pa rin kay Jonas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas nitong nakaraang Miyerkules, October 24, sa Uptown Place Mall sa BGC, Taguig sa launch ng 1st GLAM o Global Asian Model Philippines search ng Empire.ph Studios at Mercator Artist and Model Management.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN