Arra San Agustin says no rivalry between her and Rita Daniela

Arra San Agustin (in photo) says she and Rita Daniela are on good terms. The actresses are both paired with Ken Chan in the GMA-7 soap My Special Tatay.


Ginagampanan nina Arra San Agustin at Ken Chan ang mga karakter na sina Carol at Boyet sa teleserye na My Special Tatay sa GMA-7. Dahil dito ay nabuo na ang tambalang BoyCar at marami na itong tagahanga. 

Sa isang banda, nabuo rin ang BoyBrey, ang tambalan nina Boyet at Aubrey, na ginagampanan naman ni Rita Daniela.

Wala naman daw problema sa aktres na si Arra kung sumisikat ang parehong tandem.

Sabi ni Arra, “Okay lang po, natutuwa din naman po ako sa BoyBrey, e. Natutuwa din naman po.

"Support lang, kung ano po ikagaganda ng show and kung ano po yung magiging takbo po talaga ng show, kung saan po meant yung takbo ng show.”

Magkasundo naman daw sila ni Rita at hindi nagpaplastikan lamang.

“Hindi po. Mabait po siya,” ani Arra.

Hindi ba nate-threaten si Arra na kahit kontrabida si Rita sa show ay malakas din ang tandem nila ni Ken?

“Okay lang po, kasi… I mean, yung mga fans din naman po na yun yung nagsu-support sa show po namin. 

"Kung wala po sila, kung hindi naman po nila nagugustuhan yung team BoyBrey, e, hindi din po sila manonood.

“So ano lang po talaga, kung ano lang po yung ikagaganda po ng show. Na-appreciate ko din po yung mga fans ng team Boyet and Aubrey.”

Kung si Arra ang masusunod, gusto ba niya na sina Boyet at Carol ang magkatuluyan sa huli?

“Depende po talaga sa magiging plot ng story, e.

“Kasi sa ngayon hindi ko din po talaga alam yung magiging end point po nung istorya, kasi nalalaman lang din po namin nang bigla, ‘Ay ito pala yung mangyayari.’

“So depende po kung ano po yung babagay dun sa magiging ending nung story.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 23-year-old Kapuso actress sa taping ng My Special Tatay sa Tenement, Taguig noong October 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay tinanong namin si Arra kung sa totoong buhay ay posible siyang magkagusto sa isang tulad ni Boyet na may Mild Autism Spectrum Disorder.

Sagot niya, “Nung una po parang inisip ko depende talaga, pero parang… pinag-usapan nga namin ito, tapos sabi namin, posible.

"Kasi lalo na kapag lagi pong magkasama. 'Tapos yung mga, kunwari like si Carol, yung mga nami-meet niyang lalaki parang hindi naman talaga para sa kanya or hindi naman talaga… parang wala yung spark. 

"Wala yung thing na nagpapa... alam mo yun, naggi-give ng butterflies sa kanya, so wala rin. Hindi naman po natin mapipili kung sino talaga.

“Parang napapag-usapan lang po talaga namin, kasi siyempre sobrang unusual po ng ganitong situation, so parang kami, ‘Oo nga, ‘no? Puwede kaya?’”

Sa totoong buhay ay posible nga?

“Oo naman, katulad din po nung mga questions po nila sa amin before na may possibility ba, ganyan, ako lagi ko pong sinasabi may qualities po talaga si Ken [at ni Boyet] na hinahanap talaga ng girl.”

Tulad ng?

“Tulad ng sobrang down-to-earth po niyan, saka gentleman po siya and sobrang family-oriented,” paliwanag ni Arra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN