Ken Chan on switching networks: "Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa ABS-CBN"

Ken Chan cites two factors stopping him from doing a network transfer.
by Rose Garcia
Nov 1, 2018
Ken Chan admits, "Yun ang isang factor kaya ayokong lumipat ng ibang network, dahil sa mga boss natin. At saka, pangalawa, yung utang na loob."


Kung marami na ang nagalingan sa GMA-7 actor na si Ken Chan noong magbida siya sa Destiny Rose, marami ang nakakapansin at pumupuri sa kanya na mas magaling pa raw siya ngayon sa pagganap sa isang mentally-challenged character sa My Special Tatay.

“Talaga po?” masayang tugon niya.

“Masaya po ako kasi yung Destiny Rose po kasi, marami rin po ang sumubaybay. 'Tapos noong malaman ko po, noong nagpapa-teaser na po na meron akong gagampanan, inexpect ng mga tao na mahirap yung role at nag-expect sila.

"Parang nag-e-expect ang mga tao na kailangang patunayan na maganda ang pagkakagawa ko rito kay Boyet or sa Special Tatay.”

Dagdag ni Ken, “Sobrang kinabahan ako run kasi yung expectation po ng mga tao dahil inumpisahan ko sa Destiny Rose for them, kailangang higitan ko yun.

“For me naman, imbes na matakot ako, challenge yun sa akin kung paano ko mapapatunayan na bawat character na gagawin ko, mabibigyan ko ng hustisya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa rin na kinuwento ni Ken na kapag nagsi-search daw siya online, may mga lumalabas na raw na parody ng kanyang karakter na si Boyet. Ang mga gumagaya pa raw ay mga lalaki o mga tatay.

“Nakakatuwa na umaabot kahit saan si Boyet or yung Special Tatay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa taping ng My Special Tatay sa tenement sa Taguig City.

Mismong ama raw ni Ken, na ngayon ay kasalukuyang nag-a-undergo ng chemotheraphy para sa cancer nito, ay isa sa talagang nai-inspire ng teleserye nila.

Ayon kay Ken, “Ikalawang chemo na po niya and alam niya na nasa taping ako. Wala siyang ibang binabanggit, wala siyang ibang tinatanong sa akin kung hindi yung kamusta ang taping, kamusta ang story. Kinakamusta niya lagi ako.

“Kasi, happy siya.

“For me, yun ang pampalakas niya ngayon, ako talaga. Yung pambawi niya sa nararanasan niya ngayon, ako po. Itong nangyayari sa akin ngayon po. Especially kapag binabalita ko sa kanya—at ito pa ang nakakatuwa kay Papa—naka-monitor siya sa ratings.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, kahit na kontrabida ang karakter ni Rita Daniela sa Afternoon Prime soap ng GMA-7 na My Special Tatay, kapansin-pansin na marami ang humahanga ngayon sa tambalan nilang dalawa ni Ken.

May mga nagsasabi pa nga na mas bagay daw sila ni Rita at nakukumpara sa love team naman nila ni Arra San Agustin sa serye.

“Hindi... kapag nagbabasa ko parang may gusto kay Rita. Merong may gusto kay Arra. Nakakatuwa kasi parang happy yung decision ng mga viewers. Kapag kami ni Rita, BoBrey. Kapag kami ni Arra, BoRol,” natawang sabi niya.

May mga nagre-request na sana raw pabaitin na si Aubrey, ginagampanan ni Rita sa afternoon show. Sila ang gumaganap na mga magulang sa teleserye ng baby na si Angelo.

Ayon kay Ken, “Ako, natutuwa ako para kay Rita kahit na ganun ang character niya. Kasi kakainisan mo talaga.

“Ang akala namin, kakainisan siya ng mga tao. Pero, yung viewers naiinis pero minamahal siya. Gusto yung character niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Si Arra naman, yung role niya rito, mabait talaga siya, mahinhin. Laging nandiyan para kay Boyet. Siguro ano, gusto ng ibang takes na ngayon.

“Pero kung marami ang nagugustuhan ang role ni Rita, in fairness naman po dun sa role ni Arra as Carol, kapag nagpu-post po ako ng picture marami rin po ang may gusto kay Arra.”

Sa isang banda, kung titingnan ang mga ibinibigay kay Ken ng GMA na teleserye, siya yung tipo ng actor na hindi nakakahon lang.

Mas gusto niya ba na out-of-the-box kesa sa makilala siya bilang isang matinee idol?

“Mas prefer ko yung gumawa ako ng iba’t iba. Nagawa ko naman sa Meant to Be as matinee idol. Pero mas nag-e-enjoy ako na gumawa ng kakaibang roles. Bilang actor, dun mo naipapakita yung gusto mong gawin.

“Kasi dito sa atin, commercialized tayo.

“Dito sa atin ngayon, gumagawa ang ibang actors ng indie film para maipakita nila. So ako, thankful ako. Kahit na hindi ako gumawa ng indie films, nagagawa ko yung gusto ko kahit sa mainstream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So yun ang point and view ko. Blessed and thankful ako dahil nakakagawa ako ng iba’t ibang roles.”

Masasabi na ba niyang sa Kapuso network, isa na siya sa hanay ng Top 3 Kapuso actors na trusted o credible actors ng network?

“Naku, hindi ko po alam! Hindi ko po alam talaga. Nahiya naman po akong sabihin yun,” natawang sabi niya.

“Alam niyo sa totoo lang, dito sa GMA ang daming magagaling. Suwerte lang po ako na kapag nag-o-audition ako, nakukuha ko ang mga roles ko. Pero ang daming magaling. Ang daming puwedeng pagpilian.

“Ang dami, nandiyan sina Kristoffer Martin, si Mikoy Morales sa mga ka-batch ko po. Si Alden Richards, si Derrick Monasterio, Jake Vargas, Jeric Gonzales, Martin del Rosario, ang daming pagpipilian, e.”

Sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo?

“Mga King na yun... siyempre sa aming mga batch, gusto naming sumunod sa yapak nila Kuya Dingdong, Kuya Dennis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO TO SWITCHING NETWORKS

Taong 2010 daw nang magsimulang maging Kapuso si Ken kaya may walong taon na siya sa network. Sabi nga namin sa kanya, sa ngayon makikita naman na nabibigyan siya ng importansiya at mga oportunidad.

Pero pumasok na rin ba sa isipan niya kung sakali at dumating ang panahon na makatanggap siya ng alok sa kabilang network, maiisip niya kayang iwan ang GMA-7?

“Ang dami na pong nagtatanong sa akin, gusto mo bang lumipat? Hindi naman po mga taga-kabila. Yung mga tao lang po sa paligid ko. Tinatanong lang po ako kung may chance raw ba na lumipat ako sa ibang network.

“For me ha, ang sa akin lang, bakit ako lilipat kung ganito ang ginagawa ng GMA sa career ko.”

May ibang kahit matagal na at marami rin magagandang naibibigay ang network, nakukuha pa rin lumipat.

“Hindi natin sila masisisi,” saad naman ni Ken.

“Kahit ako sa sarili ko, hindi natin alam ang panahon pero as of now, sobrang happy ako rito sa network. Bakit ako lilipat kung nabibigyan ako ng magagandang teleserye ng GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung dumating ang panahon na hindi naman siya ang mas nabibigyan ng mga oportunidad, na may iba namang actor o baguhan na bini-build-up, posible rin siyang lumipat?

“Hindi ko masasabi talaga. Mahirap, e, mahirap magsalita,” aniya.

“Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa ABS-CBN,” tahasan niyang sagot.

Dugtong pa niya, “Ako, I’ll be honest.

“Kasi, may mga kaibigan po ako sa ABS. Tinanong ko sarili ko, ano kaya ang destiny ko: GMA ba talaga? ABS-CBN? Pero ini-imagine ko siya, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nasa ibang network.

“Sobrang kampante, kumportable, pangalawang bahay ko na talaga ang GMA. Yung mga boss, reachable sila. Nasasabihan, napagsusumbungan ko ng mga problema kahit personal na po.

“Nakakatuwa lang kasi reachable sila.

“And for me, yun ang isang factor kaya ayokong lumipat ng ibang network, dahil sa mga boss natin. At saka, pangalawa, yung utang na loob.”

Dito naalala naman ni Ken ang yumaong mentor at dating manager na si German Moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ken, “Sabi ni Tatay sa akin, alam mo si Kuya Germs, galit na galit kapag may alagang lumilipat sa kabila. Sobrang loyal ni Tatay. At alam naman natin na ang daming nag-o-offer sa kanya na lumipat.

“Sa Dos, sa TV5 noon. Sobrang kinukuha po siya.”


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan admits, "Yun ang isang factor kaya ayokong lumipat ng ibang network, dahil sa mga boss natin. At saka, pangalawa, yung utang na loob."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results