Thea Tolentino learns to lower her voice register for new role as transgender woman

Thea Tolentino gets tips from fellow Kapuso artist Ken Chan for her new role as transgender woman.
by Rommel R. Llanes
Nov 2, 2018
Thea Tolentino gets tips from fellow Kapuso artist Ken Chan for her new role as transgender woman.


Gagampanan ng GMA-7 actress na si Thea Tolentino ang isang transgender woman sa bagong teleseryeng Asawa Ko, Karibal Ko.

Aware naman daw ang Kapuso aktres na hindi madali o pangkaraniwan ang bago niyang karakter.

"Sabi ko nga po, kasi alam natin na napaka-sensitive ng topic na to, and ngayon alam natin na talagang pinaglalaban ng lahat, ng LGBT community, ang equality.

"So ako kasi, sa totoo lang, wala akong masyadong alam sa mga nangyayari, lalo na sa LGBT community, so nakatulong kayo sa akin na, may mga nakausap akong mga friends nila Direk na mga friends ko din.

"And alam ko, ngayon nalaman ko kung ano yung talagang pinaglalaban nila, kasi naramdaman ko.”

Ang teleserye na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Ibang-iba ang role ni Thea ngayon. Ang papel na gagampanan ni Jason Abalos, si Nathan, ay magiging si Catriona na gagampanan ni Thea.

Kuwento ni Thea, “Hirap na hirap po ako ngayon sa boses, kasi kahit matagal na po silang nag-transition, yung boses nila sa karamihan ng nakita ko, tumaas naman na po, pero hindi pa rin siya yung sobrang taas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mababa pa rin talaga, so yun yung wino-work on ko. Mahirap po.”

May nagtuturo ba sa kanya?

“Wala po, pero ano si Ken Chan kasi di ba po nag-Destiny Rose, so nung isang beses nakasama ko si Ken Chan, sinabi niya sa akin kung ano yung ginawa niya, so in-apply ko siya sa akin."

Si Ken Chan ay gumanap din bilang isang transgender sa teleseryeng Destiny Rose noong 2015.

Dagdag pa ni Thea, “'Tapos siya tinaasan niya yung boses niya ng ganitong level, ako bababaan ko.

"So binigyan ako ni Ken Chan ng tip and iyon yung ginagawa ko ngayon, na sanayin yung boses ko ng mababa, na kaya ko pa rin umarte."

Ayon pa kay Thea, challenging talaga ang role niya bilang Catriona.

Tampok din sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Kris Bernal at Rayver Cruz, Lotlot de Leon, Devon Saron, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, at Maricris Garcia.

Samantala, halos mahigit isang taon nang loveless si Thea. Ayon sa aktres, ito ay “by choice.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nananatili naman daw silang magkaibigan ng ex-boyfriend niyang si Mikoy Morales.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino gets tips from fellow Kapuso artist Ken Chan for her new role as transgender woman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results