Bella Santiago secures slot in X Factor Romania; KZ Tandingan defends Pinay singer

Bella Santiago impresses X Factor Romania judges with her fiery rendition of Adele's "Rolling in the Deep."



Muling pinahanga ng 28-year-old Filipina contestant na si Bella Santiago ang mga judges ng X Factor Romania dahil sa version niya ng awiting "Rolling In The Deep" ni Adele.

Dahil sa pinakitang remarkable talent ni Bella ay nabigyan siya ng isang seat sa naturang 4-chair challenge.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginulat ni Bella ang mga judges ng X Factor Romania with an electrifying performance. Nauna na niyang pinahanga ang mga ito sa naging version niya ng "Bang Bang" ni Jessie J. sa audition round pa lang.

Ayon sa X Factor Romania judge na si Delia Matache: "Bella Santiago has everything. I do not see who can match it! I like her stage presence and looks as if there is no one to take her out of there. You are a complex artist with a very good energy. I have the feeling that I can win X Factor with you!"

Impressed rin ang tatlo pang judges na sina Stefan Banica Jr., Horia Brenciu, at Carla's Dreams sa pinakitang galing ni Bella.

Ang fiery performance ni Bella ay pinag-usapan rin online, tulad ng viral version ng "Rolling In The Deep" ng ABS-CBN singer na si KZ Tandingan.

Napanood ni KZ ang performance ni Bella at sobra siyang na-impress sa ginawa nito sa stage. Pinost pa nito ang video ni Bella sa kanyang Facebook page.

Natuwa naman si Bella sa ginawang ito ni KZ na isa sa paborito niyang singers sa Pilipinas.

“Overwhelmed. Happy because she appreciates me. Wow! One of my favorite Philippine singer just appreciate how I sang her version of Rolling In the Deep!! I love you KZ tandingan!”

Samantala, may ilang netizens na nag-comment na ginagaya lang daw si Bella sa performance ni KZ. Mabilis na sinagot ni KZ ang mga ito at nakiusap na suportahan ang ating kababayan.

"Let us support our kababayan! Stop comparing. Love our own," sagot ni KZ.

Noong mabasa ito ni Bella, nagpasalamat ito sa kanyang idolo. Narito ang kanyang mensahe (published as is):

"Thank you kristine kz tandingan! You are one of my inspiration and lodi!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Once i saw your performance at the singing Contest in China sobrang nainspire mo ko Jessie J is also one of my motivation!!! I love you even more hope to see you in person and have an authograph from you God bless you more!"

Sa Twitter account ni Bella, nagpasalamat naman ito sa X Factor Romania.

"Thank you X Factor Romania for making my dreams come true," post ni Bella na makakalaban sa Duel round si Christian Sanda. Ang mga mananalo sa duel round ay mag-advance sa Live show.

Umabot na sa higit na 20 million views sa Facebook page ng X Factor Global ang video ng medley ni Bella ng "Bang Bang" at "Burnin' Up sa audition ng X Factor Romania.

Maraming netizens ang kinukumpara na si Bella sa pop superstar na si Beyoncé Knowles dahil sa husay nitong kumanta at sumayaw.

May 7-year-old daughter si Bella sa Pilipinas at ang kanyang ina ang nag-aalaga rito.

Dalawang taon na raw niyang hindi nakikita ang kanyang anak simula noong magtrabaho siya sa Bucharest.

Ani Bella, "I work very hard for them and I'm very thankful for them to give everything one day, what they don't have. 'Cause when I was younger, I don't have nothing.

"I don't even have time to play because I have my grandmother 'cause my mother left me there. And my childhood is very... And I'm very thankful 'cause God gave me my voice to use 'cause we don't have money to go to school. I want my daughter to have a better life."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN