Regine Velasquez recalls getting anxiety attacks over her network transfer

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez describes the effect of her decision to leave GMA-7 and sign up with ABS-CBN: "Inaabutan ako ng asawa ko na nakatulala ako."


Handa na si Regine Velasquez-Alcasid para sa kanyang mga gagawing shows sa bago niyang tahanan na ABS-CBN.

Bukod sa pagpasok niya sa pag-reformat ng Sunday musical variety show na ASAP, may gagawin din siyang sitcom kasama ang asawa niyang si Ogie Alcasid, at uupo siya bilang isa sa mga judges ng Idol Philippines.

Pero sa kabila ng excitement ni Regine, nakakaramdam pa rin daw siya ng "sepanx" or separation anxiety nang mawalay siya GMA-7 na naging tahanan niya for 20 years.

Ayon sa Asia's Songbird, sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi pa raw siya nakakapag-adjust nang husto sa bagong environment niya.

"I still feel kinda... I don’t know, I can’t really explain how I feel.

"I’m very excited and I’m very happy and I’m still excited, pero weird pa yung feeling ko.

"Hindi ko alam bakit, siguro I need to get used to the idea,” pahayag niya sa media conference ng kanyang upcoming concert titled Regine At The Movies na gagawin sa New Frontier Theater.

Hindi naman itinago ni Regine na nagkaroon siya ng anxiety attacks pagkatapos niyang makapagdesisyon na lilipat na siya sa ABS-CBN.

"It happened noong mga last taping days ng The Clash. Ina-anxiety attack ako.

"That time ay nakapag-decide na ako pero may The Clash pa.

"Alam niyo, inaabutan ako ng asawa ko na nakatulala ako.

"Ganun ako, kasi hindi ko alam kung how I should feel and whenever I go to work.

"Kung sino yung makasalubong ko, iniiyakan ako.

"Parang 'Mamamatay na ba ako?' Ganun yung feeling ko."

Ginamit pa ni Regine ang word na "namamahay" sa kanyang nararamdaman ngayon.

“Alam mo yung namamahay ka pero excited ka naman.

"Excited ako sa lahat ng mga possibilities na puwede kong gawin.

"And at the same time, mayroong konting lungkot.

“Siyempre, ang dami ko namang mga kaibigan na naiwan na minahal ko," patukoy pa ni Regine sa mga nakatrabaho niya sa GMA-7.

Nagpasalamat naman si Regine sa mga kaibigan niyang ito na nagtanggol sa kanya noong kasalukuyang nakatikim siya ng matinding bashing sa social media.

“Gusto ko silang pasalamatan sa suporta na binigay nila.

"Lalo na sa tulad ni Direk Louie [Ignacio], tinetext ako, 'okay ka lang ba'? Kumusta ka, gusto mo awayin natin?’

"'Yung mga ganun ba. So, I feel very touched.

"Kasi, mahal naman nila ako, e. At ako rin, mahal ko rin sila.

"Kaya nga ako nagkakaroon ng anxiety attack, nagkakaroon ako ng separation anxiety because you know, I was there for 20 years.

"But now, it’s a new beginning for me, that’s why I’m excited,” diin pa ni Regine.

Looking forward na nga si Regine sa pakikipagtrabaho niya sa mga Kapamilya stars, lalo na sa kanyang mister na si Ogie Alcasid.

"I’m very excited to work with Ogie again.

"Kasi oo, kasama ko naman siya every day sa bahay, pero parang iba rin yung to work with your husband. Iba rin and I’m excited about that.

"At saka this time kasi, sitcom. So, alam mo yung alam na alam niya na gawin yun, ako, hindi pa.

"Pero since kasama ko siya, okay lang. So, excited ako dun.

"Siyempre, excited din ako to work with other singers sa ASAP.

"Bihira ko kasi makasama on TV sila Sarah Geronimo, Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla. Not unless, guest ako sa concerts nila, doon ko lang sila nakaka-duet. This time ay sa isang show na kami mapapanood."

Sa November 17, 24, and 25 ang Regine At The Movies sa New Frontier Theater at magiging special guests niya sina Piolo Pascual, Daniel Padilla at Megastar Sharon Cuneta.


Stories We Are Tracking

Will some stars leave ASAP when Regine joins the show?
Will some stars leave ASAP when Regine joins the show?
Regine says ASAP reformatting is not because of her transfer
Regine says ASAP reformatting is not because of her transfer
Regine congratulates Sunday PinaSaya for beating ASAP rating
Regine congratulates Sunday PinaSaya for beating ASAP rating
ASAP episode of Regine vs Sunday Pinasaya in AGB ratings
ASAP episode of Regine vs Sunday Pinasaya in AGB ratings



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN