GMA-7 executive on Alden's show: "Victor Magtanggol has completed its full intended run."

GMA-7 executive Redgie Magno: "Thankful si Alden [Richards, left] dahil natupad ang pangarap niya na maging superhero sa Victor Magtanggol." Andrea Torres (right) is one of the stars of this GMA-7 telefantasya.


Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng Victor Magtanggol sa November 16, hiningan namin ng pahayag si Ms. Redgie Magno ukol sa naging journey ng GMA-7 fantasy series/family drama.

Na-cut short ba ang airing ng telefantasya na ito sa Kapuso Network?

Ayon sa Vice President for Drama Productions ng GMA: “Victor Magtanggol has completed its full intended run.

“Naging masaya at memorable ang experience ng buong cast at production team."

Ayon pa kay Ms. Redgie, malaki ang pasasalamat ni Alden Richards at nagawa niya ang prime-time series na ito. 

“Thankful si Alden dahil natupad ang pangarap niya na maging superhero sa Victor Magtanggol at nabigyan siya ng chance na makagawa ng ganitong programa.

“He had a wonderful time doing the series.

“Marami siyang natutunan na action scenes at happy siya dahil nakapaghatid siya ng inspirasyon sa viewers.”

Maging ang buong cast (na kinabibilangan nina Janine Gutierrez, Andrea Torres, John Estrada, Pancho Magno, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, at Ms. Coney Reyes, among others), staff, at buong production team ay labis ang tuwa na naging bahagi sila ng Victor Magtanggol.

“Naging close ang lahat sa set and now they are a family. And even after the series, they have plans to get together dahil naging barkada na silang lahat.”

Bilang pagwawakas, dinagdag ni Ms. Redgie:

“Nagpapasalamat ang GMA at ang lahat ng bumubuo sa programa sa lahat ng sumuporta, tumangkilik at nagmahal sa Victor Magtanggol.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN