Jolina Magdangal explains why she did not return to ASAP after giving birth

IMAGE Noel Orsal

Jolina Magdangal reveals that in the past, she got an offer from Star Cinema to do a movie.



Bago pa ipanganak ni Jolina Magdangal ang ikalawang baby niya na si Vika Anaya, hindi na napapanood ang aktres sa Sunday variety show na ASAP.

Kamakailan lang ay ibinalita na ire-reformat na ang ASAP.

Nang magbalik pagkatapos manganak, si Jolina ay napapanood na lang sa morning show nila nina Melai Cantiveros at Karla Estrada na Magandang Buhay.

Ngunit, hindi na nagbalik si Jolina sa ASAP.

Paliwanag ni Jolina: “Hindi pa kasi, hindi pa rin ako ready. Noong bumalik ako sa Magandang Buhay, parang naka-program ako na Magandang Buhay pa lang. So noong slightly ready na akong mag-ASAP, nagkaroon nga ng ganito.

“Pero ayokong [magsabi na], 'Uy, ready na ko, game na.' Baka may nangyayari pa sa kanila internally, tingnan natin.”

Umaasa ba siyang makakasama siya sa pagre-reformat ng show?

“Na-reformat man siya o hindi, siyempre mahal ko ang ASAP. Iba rin ang naging attachment ko sa ASAP, iba rin sa Magandang Buhay. So in a way, siyempre nagsasabi ako kay Perry [Lansigan, her manager].

“Pero yun nga, kung ano ang iplano nila at kung alam kong may lugar ako, darating yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa surprise 40th birthday party na ibinigay sa kanya na ginanap sa Cove Manila noong November 7.

Isa na ring Kapamilya ang “ate” at malapit niyang kaibigan na si Regine Velasquez.

Yun nga lang, kumpara sa kanya na bumalik sa pagiging Kapamilya pagkatapos maging Kapuso, umani ng napakaraming pangba-bash ni Regine sa naging paglipat.

Anong masasabi niya dun?

Ani Jolina, “Wala, parang naano lang ako, parang naawa ako kay Ate. Kasi, alam ko yung feeling, e. Yung papunta ka sa Kapamilya pero kumbaga, ganun naman ang kapalit. Parang naano lang ako sa kanya, sabi ko, sana naging happy na lang ang ibang tao para sa kanya.

“Pero, ewan ko, hindi ko na rin maintindihan ang ibang tao ngayon. Basta maka-comment, e, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula raw nang lumipat si Regine sa ABS-CBN ay hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkita.

Sabi pa rin niya, “Actually, hindi ko rin alam kung bakit siya naba-bash.”

Dagdag pa niya, “Basta ako, kung ano man ang pinagdadaanan ni Ate Reg, alam kong happy na happy siya. Yun lang, sana na lang hindi na lang nagkaroon ng room for bashing.

“Pero sabi nga nila, kung anuman ‘yan, basta happy ka, deadma na.”

Napag-usapan din ang reunion movie nila ng ka-loveteam na si Marvin Agustin. Nabanggit ni Jolina na may offer na raw ang Star Cinema sa kanila noong isang taon, pero hindi natuloy.

“Kasi parang in-offer yun na sabi, part ng shooting ng February or April para showing ng August last year. So ako, since naka-plano ako ng baby ng 2017, e, hindi natutuloy so itinuloy ko yung plano ko.”

Bakit hindi natuloy?

“Sabi nila inaayos ang script, hintay kami nang hintay, e, wala.”

Sila na nga lang daw ni Marvin ang nag-uusap at posibleng mag-produce ng pelikulang posibleng pagsamahan nila.

“Sabi niya after ng bakasyon niya, aayusin niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN