Mel Tiangco reveals secret to Magpakailanman's success

IMAGE Noel Orsal

Magpakailanman host Mel Tiangco owes the show's success to the people who share their stories of triumph or tragedy: "The subject of our stories who wholeheartedly, you know, shared their lives with us. Iyon ang pinakamahalagang factor in the success of Magpakailanman."


Going seven years na ang Magpakailanman, at kung isasama ang panahong nag-off-the-air ito ng ilang taon ay eleven years na dapat ang naturang GMA-7 drama anthology hosted by Mel Tiangco.

At sabi nga, ang pangalan ni Mel ay nakatatak na sa Magpakailanan and vice versa.

Pagklaro niya, “You know, I appreciate that, and I’m very happy about that, pero hindi lang ako ang Magpakailanman.

“Hindi lang ako, you know?

“Ang dami-dami namin para mapaganda at maibigan ng publiko ang Magpakailanman.”

Binanggit ni Mel ang mga researchers, writers, editors, cameramen, location manager, make-up artists at marami pang ibang may importanteng role sa kanilang programa.

At siyempre bukod sa mga artistang nagsisiganap, napakahalaga rin daw ng mga taong nagbabahagi at nagbibigay ng kanilang mga kuwento hango sa tunay na buhay para maisadula sa Magpakailanman.

“The subject of our stories who wholeheartedly, you know, shared their lives with us.

“Iyon ang pinakamalaking bahagi ng success ng Magpakailanman.

“Mga taong nagtiwala sa Magpakailanman, shinare ang kanilang mga hirap sa buhay, ang kanilang mga ambitions, ang mga frustrations. And also their successes.

“Iyon ang pinakamahalagang factor in the success of Magpakailanman,” diin niya.

UNFORGETTABLE EPISODE

Isa raw sa mga kuwentong naisadula na nila sa Magpakailanman na hindi niya makakalimutan ay tungkol sa isang inang may tatlong anak na lalaking puro schizophrenic.

Pagbabalik-tanaw niya, “Ako mismo, na-touch, napaiyak, naawa.

“Ako mismo, yung emotion ko, na-seize niya yung emotion ko.

“Binubugbog yung mother kapag wala siyang maibigay na pera, pagkain.

“Binubugbog nila yung mother nila.

“Being a mother tinanggap niyang lahat yun, alam niyang may sakit ang mga anak niya.

“Tinanggap niya lahat, she took it all talaga, yung pambubugbog sa kanya ng mga anak niya.”

At dahil nasa GMA Kapuso Fundation si Mel bilang pinuno nito, hindi nagtatapos sa pagpapalabas ng kuwento sa Magpakailanman ang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, namu-monitor pa rin nila ang mga buhay ng mga taong na-feature nila matapos maipalabas ang kanilang kuwento sa Magpakailanman.

Pag-amin ni Mel, “Masuwerte ako because I am with the GMA Kapuso Foundation.

“Katulad nitong tatlong batang kinuwento ko sa inyo, binibigyan namin ng gamot for the whole year, na iinumin ng tatlong anak niya.”

Nagiging bayolente raw ang mga ito kapag walang gamot.

Pinapangalagaan rin nila si Justine Amar, ang batang may kakaibang kundisyon kaya hindi tumatanda.

Pagmamalaki niya, “Siya mismo ang gumanap sa istorya niya.

“Matalino at magaling ang batang iyon, ang galing niyang mag-perform.

“First time yun, ha? First time yun.”

Sa Magpakailanman rin unang ipinalabas ang kuwento ng buhay ni Jo Berry, ang bida sa Onanay.

NETWORK WAR: THE UPSIDE

Samantala, bilang isang Kapuso, hiningi namin ang opinyon ni Mel tungkol sa network war ng GMA-7 at ABS-CBN.

Mabilis niyang sagot, “It should exist!

“E, di hindi masaya ang panonood natin kung hindi magtatalo yang dalawang yan.”

“Because there is also something positive in the network war in the sense that, both networks try hard and try hard and try hard.”

Apektado ba siya sa ratings war?

Pagklaro niya, “Apektado in the sense that I have a show that needs to rate.

“But as a televiewer viewer, parang… kasi kanya-kanya yan, e!

“Meron kang show na mas gusto mo e, kesa sa iba, e.

“Ke may rating yan ke wala, ‘Gusto ko ‘to!’

“May ganun e, di ba?”

PROUD MOMENTS

Bilang host ng Magpakailanman na nagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ngayon, ano ang isa sa mga magagandang naranasan na niya na may kaugnayan sa kanyang programa sa GMA?

Lahad niya, “Yung kinakantahan ako, you know, nasa palengke ka, tapos madidinig mo na yung mga tao, kumakanta na.

“Nali-lift ako, you know. Iyon nail-lift ako and that’s very often. Nakaka-uplift.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumupunta pala siya sa palengke.

Natatawa niyang hirit, “Oo naman, ano ka ba? Paminsan-minsan. Bakit naman hindi?”

Incidentally, ang anak niyang si Wency Cornejo (lead singer ng '90s Pinoy rock group na AfterImage) ang kumanta ng theme song ng Magpakailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN