Gretchen Barretto hosts "You & Me Against The World"


Gretchen Barretto (in photo) will host TV5's new game show You & Me Against the World, which will premiere on November 23 at 7 p.m. For the pilot episode, she will have Lucy Torres and John Estrada as her celebrity players.



Nasa-ikalawang season na ang mga bagong TV shows ng TV5simula nang mag-rebrand ito sa ilalim ng bagong pamunuan. May mga TV shows na mare-retain pa rin andenjoying its second season pero marami rin ang hanggang pang-first season lang.

Pero ang good news, may mga bagong shows na i-introduce muling bagong TV5 at isa na nga rito ay ang pinakabago at pabolosang game show satelebisyon, ang You & Me Against The World, which will be hosted byGretchen Barretto.

Isa ang writer na ito sa naimbitahan sa dress rehearsal ng You& Me Against The World yesterday, November 6, na ginanap sa studio nilasa Novaliches. Tulad ng dating ABS-CBN show na 1 versus 100, mayroong 50katao na bumubuo ng World (na tinawag na "The Mob" sa show ni Edu Manzano).

May dalawang contestant na lalaban sa World upang sagutinang mga tanong. Kung magiging tama ang sagot ng contestant sa popular choice ngWorld, automatic na nadaragdagan ang pera niya. And whatever money thecontestant gets, katumbas din nito ang mapupunta sa chosen charitableinstitution niya or any of her beneficiaries.

Every week, up to P1 million ang cash prize na ipapamigay ngYou & Me Against The World. Ayon kay La Greta, one season lang dawang game show niya at depende na sa management kung itutuloy pa rin ito. Perosa one season nito, guaranteed na mamimigay ang programa ng 13 million pesosand more.

Sa unang episode ng naturang game show, mapapanood ngviewers si Lucy Torres at John Estrada. Masaya rin ang ika-second episode ng You& Me Against The World dahil sina Ai-Ai delas Alas and Arnel Ignacionaman ang guests.

Bagamat may pauna nang request ang PR ng TV 5 sa mga entertainmentpress na huwag ungkatin ang personal na buhay ni La Greta, marami rin quotablequotes na masasabing tatak na yata ni Gretchen during the show itself.

Hindi kasi nakaligtas si Gretchen sa mga hirit ng dalawangguests niya na sina Ai-Ai (whom Ai-Ai fondly called Gretchen as her twinsister) at Arnel. Pero hindi rin naman nagpapatalo si Gretchen sa mga pabirongsagot at hirit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila naglalaro lang si Gretchen habang nagho-host kung kayatnapaka-natural lang ng dating nito, maging ng mga pakikipag-palitan niya ngsalita sa kanyang dalawang celebrity contestants.

May isang hirit na biro si Arnell kay Gretchen na, "Hindi monaman na kailangang mag-trabaho."

Sinagot naman ito ni Gretchen nang natatawa at pabiro nang,"Mas okay kapag nagta-trabaho ako, may pinagkaka-abalahan ako, at least, walaakong ginagawang kalokohan."

Dapat abangan ng mga manonood ang batuhan ng salita niGretchen sa kanyang mga guests, at maging sa production staff ng You &Me Against The World.

Hindi raw si Gretchen personally ang nakaisip ng title ngshow but the production people at kung parang may connect man ito sa personalna buhay ng host, kapag napanood na raw ang pinakabagong game show nga sa TV5ay masasagot talaga ang tanong kung bakit title ng isang song ang pangalan nggame show.

Nakaka-two taping days na raw si Gretchen sa kanyang gameshow at mapapanood ang pilot episode nito sa November 23, Sunday, at 7p.m. sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN