Andrea Torres talks about her sexy 2019 calendar

IMAGE @andreaetorres on Instagram

Andrea Torres talks about her sexy 2019 calendar that she herself produced.


Tinanong namin si Andrea Torres kung ano ang pakiramdam niya na magtatapos na ang Victor Magtanggol sa Biyernes, November 16.

“Siyempre, happy kasi proud kami dun sa nagawa namin, pero malungkot kasi ang tagal na rin naming magkakasama, so parang sanay na ko na M-W-F magte-taping ako, siyempre nakakapanibago pa rin naman.”

Ano or sino ang pinakamami-miss ni Andrea sa Victor Magtanggol?

“Lahat sila, sabi nga namin nung nag-uusap kami, parang wala kaming iniiwasan sa set, walang nale-left out, walang tapon, iyon yung ginagamit nilang term, lahat close, tapos kung mag-usap kami yung talagang deep na bagay.

"Si Tita Coney [Reyes], sobrang daming naitulong sa akin ni Tita Coney, yung church na pinupuntahan ko ngayon si Tita Coney nagdala sa akin dun.”

Ang Victory Christian Fellowship ang tinutukoy ni Andrea na pinagdalhan sa kanya ng Victor Magtanggol co-star niyang si Ms. Coney Reyes.

Pero paglilinaw ni Andrea…

“Ano po ako, e, Catholic ako pero gusto ko kasi yung kung paano nila ine-explain dun sa Victory yung Bible.

“Hindi pa po ako nako-convert. Nasa process pa ako ng nagse-strengthen ako ng faith ko.”

Patuloy pang kuwento ni Andrea:

“Actually, nagpunta na ako before [sa VCF] and then siyempre may mga nangyayari minsan na parang nade-depress-depress ka, so yun, yun naman ang nag-push sa akin uli na maging mas close kay God.”

“Actually, si Max [Collins] saka si Rochelle [Pangilinan] talaga yung nagdala sa akin nang unang-una, tapos siyempre yun nga may time kasi na na-depress ako.”

Saan siya na-depress noon?

“Basta. Tapos kinukulit pa din ako nung dalawa, pero siyempre nasa sa ‘yo kasi yun, e, kailangan ma-feel mo rin na gusto mo.”

Malaki raw ang naitulong nito sa GMA-7 actress.

“Sobra! Yung Bible ko ngayon bigay ni Tita Coney yung isa, kay Max naman galing yung isa.”

Ngayon ay hindi na basta-basta nade-depress si Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko hindi na, hindi na matitinag,” ang nakangiting sinabi ng 28-year-old actress.

Ano ang pinakamagandang natutunan niya sa Victor Magtanggol?

“Teamwork talaga. 'Pag maganda yung samahan ng grupo tuloy-tuloy na talaga.”

Sabi ni Alden sa susunod na show sana ay sila-sila pa din ang magkakasama.

“Yung nga pinag-uusapan namin, sabi namin dapat mag-Magpakailanman episode tapos tayo-tayo pa rin. Ha! ha! ha!”

Kung sila muli ni Alden ang magkasama sa susunod na show, tatanggapin ba ito ni Andrea kahit na nakaranas siya ng pamba-bash?

“Opo naman, kasi okay talaga siyang katrabaho, magaan talaga, saka inaasikaso niya lahat, kahit na pag late na…yun lagi kong sinasabing example kasi nga dun mo nga makikita, di ba?

“'Pag unguarded moments, makikita mo 3 am na, 4 am, 5 am, ganun pa rin siya, tapos sabi ko ay ano ‘to, pure talaga yung pagiging mabait niya.”

Mayroong 2019 calendar si Andrea para sa kanyang mga fans.

“Meron na! Kahapon po nag-announce na ko, na-approve na.”

“Ngayon po puwede ng mag-order.”

Sexy calendar niya ba ito?

“Sexy pero tame kumpara dun sa mga iba ko. Actually, hindi pala tame, parang pareho lang dun sa mga dati kong nagawa.”

Meron bang month na nandun si Ratty o Ratatoskr, ang sidekick niyang creature sa Victor Magtanggol?

“Ha! ha! ha! Wala! Baka hindi ako pansinin, si Ratty yung pansinin. Dapat si Ratty pinag-two piece ko, ‘no,” at muling tumawa si Andrea.

"Sa ngayon, nakatuon ako dun sa calendar kasi may mga gimik pa kaming iniisip for that. Actually naisip ko na pero hindi pa kasi…

“Kasi nga sabi ko nga for the fans, so parang meron akong gustong gawin na yun nga, mas…paano ko ba sasabihin na hindi pa nare-reveal? Meron akong gustong gawin na extra dun sa calendar.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Andrea ng Instavideo kunsaan makikita ang ilan sa mga sexy poses na ginawa niya para sa 2019 calendar na siya mismo ang nag-produce.

Sinulat niya sa caption:

"This year, I want to do things a little differently A calendar I PERSONALLY produced. This is for YOU, my followers It’s my way of saying THANK YOU for the tremendous support you’ve given me.

"You are nothing short of amazing! Like what I always say, I’ll never get used to it. I’m just bursting with love and gratitude for each one of you. So, here it is, a 2019 calendar made just for you!

"It’s now available in Matrica Store (link in my bio). Thank you also to my team. I can always count on you! @therealjaytablante @tieloesguerra @nikki_duque @bonita2878 and of course, @artistcenter for allowing me to do this ???? Special thanks to my trainer @chloellima30 for preparing me for this shoot despite my crazy taping schedule. Hihi. Stay tuned, I have more surprises regarding this calendar in the coming days" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

This year, I want to do things a little differently ???? A calendar I PERSONALLY produced. This is for YOU, my followers ?? It’s my way of saying THANK YOU for the tremendous support you’ve given me. You are nothing short of amazing! Like what I always say, I’ll never get used to it. I’m just bursting with love and gratitude for each one of you. So, here it is, a 2019 calendar made just for you! It’s now available in Matrica Store (link in my bio). Thank you also to my team. I can always count on you! ?? @therealjaytablante @tieloesguerra @nikki_duque @bonita2878 and of course, @artistcenter for allowing me to do this ???? Special thanks to my trainer @chloellima30 for preparing me for this shoot despite my crazy taping schedule. Hihi. Stay tuned, I have more surprises regarding this calendar in the coming days ??

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN