Janine Gutierrez on ABS-CBN actress Liza Soberano: "Dream ko rin na maka-work siya..."

IMAGE @TechnoMarine Philippines on Instagram / @KapusoPRGirl on Instagram

GMA-7 actress Janine Gutierrez (right) on Liza Soberano: "Dream ko rin na maka-work siya..."



Nakakaramdam ng lungkot ang GMA-7 star na si Janine Gutierrez dahil magtatapos na ang primetime series nilang Victor Magtanggol ngayong Biyernes, November 16.

“Well, any show naman na matatapos ay nakakalungkot,” simulang pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa set visit sa Victor Magtanggol noong Novembember 12 sa Sta. Ana.

Sabi pa ni Janine, “Ako, nalulungkot talaga ko.

“I feel like na ang dami ko pa sanang gustong gawin at mga hindi ko nagawa. I hope na na-serve ko yung purpose ko sa show na ‘to kahit papaano.”

Ginampanan ni Janine sa Victor Magtanggol ang karakter ni Gwen na isang field reporter.

“That’s why noong una, medyo hindi rin po ako sure. Medyo kinakabahan ako sa show na ‘to noong una, bakit kaya ako yung napili? Pero nagtiwala lang din po ako sa mga boss at sinasabi ko ngayon na sana, na-serve ko yung purpose kung bakit nila ko nilagay rito.”

Nang maging leading lady siya ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, natuwa ba siya sa pangyayaring yun?

“Yes, super, super kaya nga nalulungkot ako na matatapos na ang taping namin. Sobrang saya talaga ng set na ‘to. Nagkasundo lahat ng tao na hindi naman ineffortan. Siguro nag-click lang talaga at nagkataon na mababait yung mga artista rito.

“Yun lang ang mami-miss ko talaga rito, yung samahan kasama sina Alden, Ms. Coney [Reyes], lahat... kasi, kahit na mabibigat yung mga eksena, kahit na action, mainit o madaling-araw na, sobrang gaan ng pakiramdam dahil sa mga ka-trabaho.”

Sa lahat siguro sa cast, silang dalawa ni Alden ang mas matagal na nagkasama dahil kasama si Coney, nag-taping pa sila noong umpisa sa Japan.

Kapag-off-cam, ano ang mga nadiskubre pa niya rito?

“Siguro noong umpisa pa lang, noong mag-shoot kami sa Japan kasi, kaming dalawa lang ang artista ron, plus si Tita Coney. Siyempre, masaya, biyahe, ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig din siya sa pagkain kaya kapag lunch break, yung buong crew, kakain sa labas. Tapos, naalala ko may inorder ako na hindi masarap. Sabi niya, 'Ano, Ja, hindi masarap?' Tapos inayos niya. Nilagyan niya ng lemon, parang tinimplahan niya, ang galing!

“Tapos sabi niya, ganyan talaga kapag seafood, dapat lagyan mo ng lemons. So yung mga ganun, yung maliliit na moments ang mami-miss ko kasi, very sensitive siya sa mga tao. Alam niya kung masaya ka or hindi ka okay at talagang maasikaso siya sa lahat ng tao.”

Bago pa lang gawin ni Janine ang Victor Magtanggol, sangkaterbang pamba-bash na ang inabot at naranasan niya. Isa sa mga dahilan ay dahil siya ang lumalabas na leading lady ni Alden.

Pero sa kabila nito, siya mismo ang nagsasabi na naging masaya siya at halos ayaw na niyang magtapos.

Napatatag rin ba siya ng teleserye nila?

“Actually, bukod sa mami-miss ko ang cast at production, isa rin talaga sa ipinagpapasalamat ko rito ay yung nakilalala ko talaga ang mga sumusuporta sa akin dito at mga sumusuporta kay Alden.

“Kasi, ramdam na ramdam ko rin po talaga ang support nila, pagtanggol nila, hindi sila mapanghusga.”

Kung may nang-bash sa kanyang mga nagsasabing fan ng Aldub, may mga nagtanggol ba sa kanya na fans naman ni Alden?

“Opo, sobra-sobrang dami at ramdam ko talaga ang pagmamahal nila sa show at lahat sa amin na parte ng show. Kahit na feeling ko na ayaw ko pang matapos ang show, super thankful ako dahil sila, nagpapasalamat sila sa amin sa nakuha nila sa show.”

Matibay na ba siya ngayon?

“Matibay naman po talaga,” natatawang sabi ng Kapuso actress.

ON LIZA SOBERANO

Sinabi kamakailan ng ABS-CBN star na si Liza Soberano na kung meron itong gustong maka-trabaho sa Kapuso Network ay si Janine yun, at nagagandahan ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi naman ni Janine, “Sobrang gandang-ganda rin ako sa kanya and si Liza yun, e.

“Dream ko rin na maka-work siya kahit sa shoot lang or sa endorsement or movie sana. Sobrang ganda niya at sobrang galing niya. Sobrang sweet din naman niya para maalala ko."

Katulad ni Alden, timing din para kay Janine ang pagtatapos ng Victor Magtanggol na kung sakali at hahabaan pa ang extension, malamang ay mahihirapan din ang production sa schedules nila.

Ang inaabangan na ni Janine ngayon bukod sa kasal ng kanyang ina na si Lotlot de Leon ay ang pagbabakasyon nila ng magkakapatid kasama ang ama na si Ramon Christopher sa Los Angeles ngayong Kapaskuhan.

“Ang mangyayari po, wedding muna,” natawang paglalahad ni Janine.

“Isang Linggo po siguro yun na selebrasyon. Preparation, wedding then after wedding, gusto yata niyang mag-beach for a few days. Yung isang Linggo na yun, kay Mama. Then after...well, one week lang naman kami sa L.A. para kasama naman si Papa at mga kapatid ko.

“Yung iba sa kanila, first time pa lang nilang mag-U.S. at si Papa, yung huling U.S. [trip] niya, 1991 pa.”

Sa December 29 pabalik na rin daw sila ng Manila para sa New Year, kasama naman silang magkakapatid ni Lotlot.

Natatawang kuwento pa ni Janine sa pagkakaroon ng magkahiwalay na mga magulang, “Mahirap lang talaga ang mga planuhan kapag hiwalay ang magulang!

“Pero nairaraos naman.”

Kapag nagkaroon na ng sariling pamilya, ang naging situwasyon daw ng Mama at Papa niya ang hangga’t-maaari ay iiwasan niyang mangyari sa bubuuing pamilya.

“Hindi puwede, hindi ako papayag,” natawang sabi niya.

“At saka, yun din naman ang turo sa akin ni Mama, ‘wag magmadali pagdating sa mga desisyon sa pag-ibig. Para kapag yun na, yun na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN