What's next for Alden Richards after Victor Magtanggol?

IMAGE Rose Garcia

Alden Richards responds to rumors saying there will be a movie version of Victor Magtanggol. This GMA-7 prime-time series, wherein he was paired with Janine Gutierrez, will end this Friday, November 16, 2018. 



May mga usap-usapan pero hindi kumpirmado na gagawing pelikula ang Victor Magtanggol TV series na magtatapos na ngayong Biyernes, November 16, sa GMA-7.

“Sana po, sana po, open naman po,” bulalas ni Alden Richards nang banggitin ito sa kanya.

May narinig na ba siyang planong ganoon?

“Wala pa naman po, sana po.

“Pero yun nga po, parang nag-suggest po kami na at least kahit papaano yung show, kahit lang yung Magtanggol family gumawa ng special this Christmas, parang Christmas Special. Drama special po na same cast.

“Para lang mai-showcase talaga namin yung pagiging pamilya, kahit hindi na po related sa Victor Magtanggol, it’s just kahit same cast lang po.

“Sana po i-approve, sinuggest na po, e.”

Nilinaw naman ni Alden na ang dapat sana na gagawin nila noon ni Aljur Abrenica na Cain At Abel ay pelikula, at hindi ang drama series na pagbibidahan ngayon nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo at eere sa GMA-7 simula sa Lunes, November 19.

Ani Alden, “Ang difference po kasi nun yung ginagawa namin ni Direk Adolf [Alix Jr.] pelikula po, movie siya, hindi po siya serye.”

Hindi natuloy ang proyekto na iyon at ngayon ay nasa ABS-CBN na si Aljur.

Ano ang masasabi ni Alden na ang mga millennials na kabataan, ang makakalakihang superhero ay si Victor Magtanggol?

“Sobrang saya ko pong talagang nagawa ko yung role na 'to, kasi nung nag-thanksgiving dinner po kami, yung isa po naming talent dito, yung boses ni Ratty [Ratatoskr] na si Kuya Noel, may pinakita po siya sa aking video ng apo niya na five years old na merong difficulty sa pagsasalita.

“'Tapos pinlay po niya yung video, ang nasasabi po nang malinaw is yung Victor Magtanggol!

“So yung mga ganun po na parang blessing pa rin po talaga na binigay sa akin yung role na 'to, kasi yung talagang effect po sa mga bata, yung influence ng show sa bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pang kuwento ni Alden, “Saka madalas po kasi kaming mag-shoot dito sa school, sa Sta. Ana Elementary School.

“Pag suot ko na yung costume, iba po yung effect sa mga bata, e. Talagang lahat sila parang… lahat sila gustong hawakan, lahat sila tuwang-tuwa nung makita nila akong naka-costume.”

Ano ang pinakamahirap na eksenang ipinagawa kay Alden sa Victor Magtanggol?

“Yung paggawa ko po ng sariling stunts.”

Yung medyo nanganganib na ang buhay niya?

“Opo.”

Humingi kami ng isang specific example mula sa aktor.

Aniya, “Yung sa pier scene, yung kailangan ko pong tumalun-talon sa mga container van nang walang safety gear, puyat pa po.”

Hindi raw nagpa-double si Alden sa nasabing stunt.

“Hindi po, e, kasi ako po talaga nagpilit, para gusto ko rin po kasing… gusto ko po yung feeling na kinakabahan, na parang hindi po ako sigurado kung ano ang kakalabasan nung eksena, kung madidisgrasya ako o magiging safe.”

Insured naman daw si Alden.

“Opo naman, insured naman po tayo.”

Matagal-tagal ba bago mag-soap opera muli si Alden?

“Tingin ko po parang second quarter po ng 2019, meron po.”

Mauuna ba muna niyang gawin ang isang pelikula?

“Baka po may movie.”

Pagkatapos gawin ang action-packed teleserye na Victor Magtanggol, iba naman ang gustong susunod na project ni Alden. 

Aniya, “Gusto ko pong bumalik sa drama, kasi na-miss ko… actually ito naman pong Victor may konting drama pero mas lamang po yung action. Pero iba po kasi talagang yung istorya, yung laman.”

May mga nagre-request na isang straight drama series na sila ni Janine Gutierrez ang magkapareha.

“Ay open naman po ako, open naman.”

Okay ba kay Alden na sila muli ni Janine ang magsasama pagkatapos ng Victor Magtanggol?

“Opo, opo naman.”

May mga nagsa-suggest din na si Alden ang mag-host ng Season 2 ng The Clash kapalit ni Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksyon niya tungkol dito, “Narinig ko nga po 'yan. Open din naman po ako, kasi siyempre since napa-practice naman na po akong mag-host sa Eat Bulaga! saka sa Sunday PinaSaya.”

Na-train din si Alden sa Bet ng Bayan kung saan sila ni Regine ang hosts.

“Sobra po yun, yun po talaga ang kauna-unahan, yun po talaga.”

Nilinaw naman ni Alden ang balita na lilipat siya sa Studio 7 na musical variety show ng GMA.

“Hindi po, nag-guest lang po ako.” 



Stories We Are Tracking

Alden:
Alden: "Sa ratings po talaga hindi tayo makaagapay..."
Alden Richards denies that <em>Victor Magtanggol</em> was cut short
Alden Richards denies that Victor Magtanggol was cut short
Did airing of Victor Magtanggol get cut short?
Did airing of Victor Magtanggol get cut short?
Alden Richards on Victor Magtanggol:
Alden Richards on Victor Magtanggol: "The show is fighting."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN