Dion on why Alden wanted extension for Victor Magtanggol: "Gusto niya pang magkaroon ng trabaho yung crew."

IMAGE @KapusoPRGirl on Instagram


“Mami-miss kong katrabaho si Alden, first time ko siyang naka-trabaho tapos talagang…ewan ko, iba, e,” ang pahayag ni Dion Ignacio tungkol sa pagsasama nila sa trabaho sa Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Ano ang nadiskubre ni Dion kay Alden sa itinakbo ng show nila sa GMA-7?

“Pagdating sa trabaho, sobrang professional niya, talagang pagdating sa character talagang in character siya.

“Pero yung ikinahanga ko sa kanya yung pagka, alam mo yun, mas iniisip niya yung kapakanan ng iba pagdating sa…kunwari itong pagtatapos na ‘to, ang hiling niya ma-extend.

“Kasi alam ninyo kung bakit hiling niyang ma-extend?

“Kasi gusto niya pang magkaroon ng trabaho yung mga crew hanggang Pasko. Kami namang mga artista, okay naman, e.

“Concern niya yung maliliit, at dun ako humanga at naging idolo ko siya dahil sa kanyang ano, sa ugali niyang ganun na mabuting tao. Ganun ang mga artistang iniidolo.”

Sa pagtatapos ngayong Biyernes ng Victor Magtanggol, ano ang saloobin ni Dion?

“Nakakalungkot pero binigay naman namin lahat, e!”

Ano ang pinakamagandang aral na natutunan ni Dion sa Victor Magtanggol?

“Best lesson? Best lesson siguro pagdating sa pamilya parang ibigay mo lahat ng time mo dun.”

Pamilyado na si Dion at may anak na sila ng non-showbiz girlfriend niya.

“Oo, para sa akin, ibubuhos mo lahat ng time mo dun, para sa family mo.”

Mahigit isang taon na ang anak na babae ni Dion na si Dylanne Jailee.

First time ba ni Dion na magpa-Pasko na may anak na?

“Pangalawa na yata, e, pangalawa na.”

Malaki ba ang difference na mag-Pasko na may pamilya na?

“Oo, siguro malaking…oo malaking pagkakaiba na yun, e, dahil ngayon may…mas masaya na, kumbaga, may anak ka…”

May petsa na ba ang kasal nila ng girlfriend niya?

“Wala pa, e, pero darating din naman dun.”

Next year na ba ito mangyayari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam pa.”

May plano naman raw silang pakasal.

“Oo, dapat, di ba? Dapat ganun.

“Siguro po ganun, ipon pa. Show pa after nito.”

May sinabi na ba ang GMA na kasunod na show para kay Dion?

“Wala pa po, pero nabanggit ko kay Alden din, ‘Den sa susunod na show mo ha, sama mo ko.’”

Ano ang sabi ni Alden?

“Sabi niya, ‘Sige ta-try ko,’ siyempre…”

Nalungkot si Dion sa pagtatapos ng Victor Magtanggol.

“Siyempre, lahat naman po kami nalungkot dito, e, dahil siyempre trabaho, e, ikaw ba naman mawalan…”

Pero thankful si Dion na nabuo ng Victor Magtanggol ang run nito.

“Oo, saka thankful ako na nakasama ako sa project na ‘to.

“Thankful din ako dahil alam mo yun, pinagkakatiwalaan ako ng GMA na ilagay sa project na ‘to.”

Ano ang gagawin niya pagkatapos ng Victor Magtanggol?

“Bale, balik muna ako sa gym siguro, kasi tumaba ako, e.

“Balik workout saka eto, sa family, focus muna, medyo kinulang, e, Sabado-Linggo, tapos minsan promo pa.

“So gym tapos family, tapos pag meron ng guesting, so grab lang ng opportunity.”

Nakausap namin si Dion sa taping ng Victor Magtanggol sa Sta. Ana Manila nitong Lunes, November 12.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN