Michael V and Jose Manalo admit missing Gladys in "Eat Bulaga!"


"The show must go on" for Jose Manalo (left) and Michael V although the two Eat Bulaga! co-hosts admit they miss Chuchay (Gladys Guevarra).



Kapwa aminado sina Michael V at Jose Manalo na nami-miss nila sa Eat Bulaga! ang dati nilang co-host na si Gladys Guevarra. Sa kabila nito, "the show must go on" kaya tuloy pa rin ang pagbibigay ng saya ng nasabing noontime show sa publiko.



"Siyempre yung miss, nandun pa rin yun. Hindi naman mawawala yun. Pero ganun pa rin ang Bulaga. Alam mo naman sa Bulaga, hindi mo mararamdaman yung umalis kasi masaya e," sabi ni Jose sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Araneta Coliseum during Ara Mina's concert last February 3.



"Masaya sa loob. Even si Gladys, alam kong nami-miss niya kung gaano kasaya sa loob . Sa una, nakakapanibago, may hinahanap kang isang ulo pero 'pag tumatagal na, okay naman," aniya pa.

Bukod sa Eat Bulaga! ay magkasama rin dati sina Jose at Gladys sa comedy show na H3O ng QTV 11, kung saan kasama rin nila si Wally Bayola. Ngayon ay sina Jose at Wally na lang ang natira sa H3O.



"Sa H30, medyo bumigat kasi tatatlo lang kami," pag-amin ni Jose. "So kami lang paikot-ikot e, sa lahat ng routine dun, lahat ng eksena. At the same time, na-miss namin yung portion na "Chuchay." Hindi tatayo yung "Chuchay" kung wala si Chuchay. Pero nagagawan naman ng paraan, okay lang. Siyempre, kahit papaano, naalala mo yung tao."

Si Chuchay ang pinasikat na character ni Gladys sa Eat Bulaga! Ito rin ang pangalan ng character ni Gladys sa bago nitong show na Magic Kamison sa GMA-7.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang PEP na makuha ang panig ni Michael V. Sinabi ng comedian na, "Life goes on although lahat kami nami-miss namin si Gladys. She has her reasons bakit hindi na siya makakapag-host [ng Eat Bulaga!]. We respect that and we actually wish her all the best."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May chemistry siya with everyone. Meron kaming little thing going on, yung Chuchay and Buchoy. Yung short-lived career ni Buchoy," natatawa pang sabi ni Michael V, na ang tinutukoy ay ang mga characters nila ni Gladys sa Eat Bulaga!

Matatandaang nag-resign sa Eat Bulaga! si Gladys for health reasons—kanyang idinadaing sakit niyang scoliosis. Haka-haka naman ng ilan ay may kinalaman sa kanyang pag-alis si Janno Gibbs, na napapabalitang naka-relasyon niya. Mariing itinanggi ito ni Gladys. Kung matatandaan, naiyak pa nga si Gladys sa press conference ng Magic Kamison noong January 29 nang hindi siya tantanan ng mga reporter tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pag-alis sa Eat Bulaga!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN