Alessandra tearfully admits she almost quit showbiz; says, "Ang plastic niyong lahat!"

Alessandra de Rossi admits she nearly quit showbiz because of the "betrayal" she experienced because of a colleague.


Naiyak si Alessandra de Rossi nang aminin niya na muntik na siyang mag-quit ng showbiz dahil sa “betrayal” na naranasan niya dahil sa isang katrabaho.

“Umabot ako sa...Gusto ko na namang mag-quit. Yung, ‘Ayoko na, ang plastic niyong lahat!’ Alam mo ‘yon?"

Ito ang kuwento ni Alessandra kay Boy Abunda nang ma-interview siya sa November 20 episode ng Tonight With Boy Abunda.

"Pero hindi, e. Kailangan ko lang siguro i-regulate,” sabi ni Alessandra na piniling magpatuloy bilang aktres.

Ayon sa lead star ng pelikulang Through Night and Day, siya ang tipo ng tao na laging nagpapakita ng kanyang tunay na saloobin.

“Ang hirap lang talaga humanap ng tao na totoo sa ‘yo sa showbiz. Kasi totoong-totoo ako, e. Ang hirap."

Pinagsabihan na siya ng kanyang nanay na huwag ibuhos ang lahat ng pagmamahal sa lahat ng tao.

"Yun nga ang sinasabi sa akin ng mama ko, huwag mong ituring lahat na pamilya. Mamili ka lang. E, ako, hindi ako namimili."

Pagkatapos niyang maluha, nagbiro naman si Alessandra: “Don’t worry about me. I’m just hormonal, because I’m pregnant!”

Aminado rin si Alessandra na hindi siya perpektong tao.

“I make mistakes. Nagagalit ako. Minsan, mayroon akong nasusungitan. I’m a human being, but I’m not evil. Never ako nantalo ng kapwa ko.

"I’m not evil, hindi ako sure sa good.”

Tinanong rin si Alex (palayaw ni Alessandra) kung bakit siya nagpakalbo.

“Siyempre, merong kuwento . . . Basta, ano lang, may pinaghandaan ako. Iyon,” sagot ng 34-year-old na aktres.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN