Does Rayver Cruz think he made the right decision by returning to GMA-7?

IMAGE @KapusoPRGirl on Instagram / Screenshot from GMA-7

Rayver Cruz on his first GMA-7 teleserye Asawa Ko, Karibal Ko: "Masaya ako kasi nga ayaw ko rin na parang yung first show ko, walang masyadong manood."


Masaya si Rayver Cruz na marami ang nanonood ng pinakauna niyang drama series sa GMA-7: ang Asawa Ko, Karibal Ko.

“Siyempre, sobrang nakakatuwa. Masaya ako kasi nga ayaw ko rin na parang yung first show ko, walang masyadong manood.

“Andun rin kasi yung fear, hindi naman mawawala yun, na baka hindi mag-rate. As an artist… alam mo yun?

“Pero alam mo yun, just trust the process, trust the story, and tiwala sa team and, of course, napakahusay rin ng director namin, ang award-winning director na si Direk Mark [Sicat-dela Cruz].

“Ang galing lang din nung mga writers, tulung-tulong din.

“Of course, yung dalawang leading lady dito sobrang galing nila,” pagtukoy ni Rayver kina Kris Bernal at Thea Tolentino.

“And parang wala naman yatang history sina Kris at Thea na hindi pumi-pick up yung shows nila.

“So, thanks guys. Thank you, guys,” pasasalamat ni Rayver sa mga kasama niya sa Asawa Ko, Karibal Ko.

“Sabi ko nga sa kanila, nadamay ako sa kanila kasi lahat ng shows nila, nagre-rate, e.”

“So, nakakatuwa, nakakataba ng puso, lalo na yung mga tweets ng mga tao, yung mga comments. Abangan pa nila yung mga mangyayari.

“Nakakaganang magtrabaho. Nakakagana. Nakaka-inspire lalo umarte and gumawa ng mga magagandang eksena para sa mga viewers.”

Masasabi ba niyang tama ang desisyon niya na bumalik sa GMA-7?

“Oo. Kasi sa tingin ko naman basta’t gusto mo yung ginagawa mo and sariling desisyon mo, wala namang mali.”

Inamin ni Kris Bernal na naging crush niya si Rayver. Masaya ang Kapuso actress dahil dati raw ay napapanood lang niya si Rayver at ngayon ay leading man na niya ito.

“Palagi namang sinasabi ni Kris yun, e. Siyempre, idol ko yun, e!”

Nagkuwento rin si Rayver tungkol sa love scene nila ni Kris para sa Asawa Ko, Karibal Ko.

“Siyempre hindi naman puwedeng um-overboard dahil nasa TV tayo and hapon kami ipinapalabas. Pero maganda yung eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila nagagawa na magkaroon ng chemistry onscreen kahit alam ng lahat na may karelasyon silang ibang tao?

Ang non-showbiz boyfriend ni Kris ay si Perry Choi at si Rayver naman ay sinasabing boyfriend na ni Janine Gutierrez.

“Ewan ko. For me, ha, yung mga tao naman kasi, iba na yung panahon ngayon, e. Kumbaga parang marami pa ring nanonood and kumakapit kahit na, di ba, yung love life ni Kris, iba naman yung onscreen, e.

“Personally sa akin, ramdam ko yung chemistry namin ni Kris or kapag ka-eksena ko si Thea okay rin, so feeling ko hindi naman sagabal yun.

“Nagagawa naman namin maayos yung trabaho so nagwo-work naman.

Ngayong Sabado, November 24, mapapanood si Rayver sa episode ng Magpakailanman titled Impiyerno Sa Dagat: A True Story of Filipino Bravery and Perseverance. Kasama niya rito ang kapatid niyang si Rodjun Cruz.

Sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, ang episode na ito ay tampok rin sina Jade Lopez, Orlando Sol, Jazz Ocampo, Angelica Ulip, Eva Darren, Aaron Yanga, Prince Clemente, Ranty Portento, at Yutaka Yamakawa.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN