Sanya Lopez says onscreen pairing with Dennis Trillo no reason for Jennylyn Mercado to feel jealous

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Sanya Lopez feels confident that her onscreen pairing with Dennis Trillo won't pose any issues for Dennis's girlfriend Jennylyn Mercado: "Alam ko po na malawak yung pang-unawa ni Ate."


Si Sanya Lopez ang leading lady ni Dennis Trillo sa Cain at Abel ng GMA-7.

Hindi ba nag-aalala si Sanya na baka pagselosan siya ng girlfriend ni Dennis na si Jennylyn Mercado, lalo na't may intimate scenes sila ni Dennis?

Lahad niya, “Personally, hindi naman po ako natatakot dahil I know na hindi naman ako pagseselosan ni Ate Jen.

“Kasi alam ko po na malawak yung pang-unawa ni Ate.

“So naniniwala ako na hindi kami dadating… hindi dadating na magseselos talaga si Ate Jen sa akin.”

Kahit raw mapanood ni Jen ang kissing scene nila ni Dennis ay wala raw dahilan para magkaroon ng selosan.

Dagdag niya, “Siguro po maiintindihan naman niya lahat ng nangyayari, kasi I know Ate Jennylyn is a…

"Well, Best Actress po siya for me, at isa siya sa mga hinahangaan ko.

“So, I think maiintindihan niya yung sitwasyon po talaga namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya sa presscon ng Cain at Abel noong November 13 sa Prime Hotel sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Masuwerte raw siya na siya ang leading lady ni Dennis ngayon.

Bulalas niya, “Grabe! Sobrang… until now yun nga po, na-a-amaze pa din ako, na totoo ba yung nangyayari sa akin ngayon?”

LOVELESS

Walang karelasyon si Sanya ngayon.

Wala bang nanliligaw sa kanya?

Aniya, “Ngayon kasi hanggang kai-kaibigan lang muna.

“Kung manligaw sila, manligaw sila, okay lang.

“Pero hindi ko pa po iniisip na…

“Tingnan natin kung sino yung magtatagal at kayang mag-sacrifice for you, di ba?

“Kung sino yung magiging patient.”

Umiwas naman si Sanya na i-reveal kung artista ang nanliligaw sa kanya ngayon.

ON KUYA JAK’S COLORFUL LOVELIFE

Masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

“Happy po ako sa kanya, at ang nakakatuwa kasi sa kanilang dalawa, very barkada lang silang dalawa e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So hindi ka ma-o-OP [out-of-place] pag dumating yung… kahit lagi akong third wheel,” at tumawa si Sanya.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“E, di go!

“Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo nang mabuhay dalawa, e di go!

“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali.

“Kasi mas masaya na… ibang klase na pag kinasal na kayo, ibang buhay na yun,” diin niya.

Mahigpit bang kapatid si Jak?

Pagbabalik-tanaw niya, “Nung mga siguro 15 ako, 14-15, hanggang 17, actually hanggang 20 ako, sobrang higpit talaga ni kuya.

“Kasi parang napi-feel niya na hindi pa time para magkaroon ako ng boyfriend.

“So ngayon naman sinasabi niya na sa akin na, ‘Malaki ka na, alam mo na yung… alam mo na kung paano kontrolin yung sarili mo...

“'Nandiyan ka na, e. Basta alagaan mo lang kung anong meron ka.’”

Hindi na raw siya masyadong binabantayan ng kapatid niya.

Saad niya, “Ngayon po hindi na, pero lagi niya lang sinasabi sa akin na, ‘Ingatan mo lang ang lahat ng meron ka, importante pa din na mahalin mo yung sarili mo’.”

NEAT FREAK

Nag-aaway pa ba silang magkapatid?

Ani Sanya, “Ang pinaka-away lang naman naming dalawa yung hindi ako masyadong… yung may naiiwan akong bimpo o kaya simpleng bagay lang.”

Mas maimis sa gamit si Jak sa kanya?

“Opo, mas ganun siya, like, for example, may naiwan lang ako na suklay, ‘Bakit mo iniwan ‘yung suklay?’

“Ganyan, yun lang,” natatawa pang kuwento ni Sanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN