Maayos na ang lahat sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at FPJ's Ang Probinsyano, ang ABS-CBN teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kaninang umaga, November 26, pumunta si Coco kasama ang ilang executives ng Kapamilya network para makipag-usap at makipag-meeting kay PNP Chief Director Oscar Albayalde.
Ito ay kaugnay pa rin sa nakaraang isyu kung saan naging concern si Albayalde sa "negative portrayal" ng ilang kapulisan sa Ang Probinsyano, dahilan upang magkaroon ng "bad impression" ang mga manunuod sa mga pulis.
Dinaluhan din ni Coco ang flag-raising ceremony ng PNP sa Camp Crame.
Kasama ni Coco sina ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal, at Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Rachel Arenas.
Pagkatapos nito naganap ang pirmahan ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng PNP at FPJ's Ang Probinsyano.
Ayon na rin sa pahayag ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda, na nailathala sa Cabinet Files column ng PEP Alerts ngayong araw, tuluyan nang nagkaayos ang PNP at ang produksyon sa likod ng Ang Probinsyano tungkol sa isyung ito.
November 14 ng taong ito nagpahayag ng saloobin si Albayalde tungkol sa diumano'y "unfair" na pagsasabuhay sa ilang kapulisan ng programa ni Coco.
Umabot pa sa puntong kinonsidera ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng reklamo laban sa Kapamilya prime-time series.
Noong Miyerkules, November 21, unang pumunta si Coco kasama ng ABS-CBN executives para makipag-usap at makipag-ayos kay Interior Secretary Eduardo Año.
Naglabas din ang ABS-CBN at DILG ng joint statement tungkol sa pagkakasundo ng mga ahensyang may kinalaman sa isyu.
READ Coco Martin, tinawag na "my idol" ni PNP chief Oscar Albayalde
READ Coco Martin visits PNP headquarters to resolve issues of Ang Probinsyano with DILG, PNP
READ DILG does not plan to stop Ang Probinsyano from airing, says Interior Secretary
READ MTRCB chairperson Rachel Arenas comments on issue between Ang Probinsyano and PNP
READ Philippine National Police withdraws assistance from FPJ's Ang Probinsyano
READ DILG might sue ABS-CBN's Ang Probinsyano if story is not changed
READ Coco Martin on PNP complaint about Ang Probinsyano: "Ako mismo humihingi ng paumanhin."
READ Ang Probinsyano gives "bad impression" of cops, says PNP