Paolo Contis on why he chooses to remain with GMA-7: "Because they're loyal to me!"

IMAGE Chez Ganal

The screening of Ang Pangarap Kong Holdap will push through on November 28, 2018. Paolo Contis stars as one of the lead actors of this comedy film.


Mas unang ginawa ni Paolo Contis ang pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap bago ang Through Night and Day.

Paano siya napapayag na gawin ang romance movie na Through Night and Day kasama si Alessandra de Rossi?

“Actually, alam ko rin na creative partner dito si Alex [palayaw ni Alessandra], so sinabihan nga ako ni Alex na, ‘Uy, maganda yung pelikula, gawin mo.’

“Tapos yun nga, nung pinresent naman binasa ko naman, maganda, tapos during the time that we were shooting Ang Pangarap Kong Holdap, came Through Night and Day, na concept din ni Alex.”

Hindi ba nag-aalala si Paolo sa over exposure ngayong dalawang pelikula niya ang magkasunod na palabas?

“Tagal ko na ngang hindi nagpelikula, e. Ilang years. Tapos magkaibang genre naman siya, eto super male comedy na iba naman yung kine-cater, yung sa ano romantic ano.”

Saan siya mas nahirapan?

“Mas nahirapan ako sa Through Night and Day, mas emotionally challenging siya, mas malaro sa emosyon, mas mahirap itayo yung pelikula kasi dalawa lang kami.

“Eto kasi may katulong akong… actually nagsuportahan kaming apat dun sa characters, e, so it was easier to shoot Holdap.”

Ang mga co-stars ni Paolo sa Ang Pangarap Kong Holdap ay sina Pepe Herrera, Jelson Bay, at Jerald Napoles. 

Dagdag ni Paolo, “That’s the good part about working with real comedians para sa akin, ang mga totoong komedyante para sa akin, alam nila kung magbibigay sila o ite-take nila yung punchline na yun. Pag ginagawa namin yung eksena, ‘Kay Jelson ‘to, pag ano, kay ano ‘to.’

“Lahat kami nakasuporta, walang sapawang naganap, walang selosang naganap, bakit mas nakakatawa siya, bakit mas… wala, wala.

“And direk Marius was there to guide us well, maging maganda… smooth yung batuhan, para maging patas yung highlights ika nga, mga punchlines ng bawat isa. Technically, pinakakonti naman yung sa akin because of my character, dahil dun sa twist ng character ko, e, pero I had my moments na naging masaya naman yung mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na napapayag ka siyang gumawa ng pelikula na ang direktor ay ang first-time director na si Marius Talampas.

“Hindi ko naman tinitingnan yun. Nung pinresent nga sa akin…nandun si Marius nung pinresent sa akin itong pelikula, as long as na nakita ko naman na alam niya yung ginagawa niya...

"Nung binasa ko yung script...sabi niya kasi wala akong ano, silly yung...

"For me, it takes a very smart person to make a silly film, na may kuwento, dire-diretso pero nakakatawa at silly siya.

"Para sa akin, matalino lang ang makakagawa nun. Hindi siya naniniwalang matalino siya, e, yun din ang maganda dun, feeling ko, ‘Nagkukunwari lang ‘to, e,’ na hindi niya alam ginagawa niya.

“Pero alam niya. Alam niya yung comedy niya, e. Sobrang alam niya yung comedy niya. May mga hinihingi siyang acting na hindi ko gets, pero nung ginawa ko na-gets ko na, so he’s very smart.

"Plus, I wanted to work with Pepe, Jerald and Jelson.”

Unang beses niya maging co-stars sina Pepe Herrera, Jelson Bay, at Jerald Napoles.

“Oo, nakikita ko sila, napapanood…ilang beses kong pinanood ang Rak of Aegis dahil sa kanilang dalawa, and it was an opportunity to work with them."

Noong bata si Paolo, nakilala siya as a comedian, pero nakakatawid naman siya sa drama.

“Suwerte ako sa ano, e, suwerte ako sa… para sa akin like dun sa Bubble Gang, suwerte ako kasi…ako naman lalo yung comedy ko is based on current events, I don’t play characters, so mostly binabase ko yung comedy ko sa mga current events or maybe some characters that I play.

"Nasa pagre-reinvent mo na lang siguro yun, lalo… eto first time kong gawin ‘tong ganitong klaseng role.”

Ang papel niya bilang si Nicoy sa Ang Pangarap Kong Holdap (na palabas sa mga sinehan ngayong November 28) ang tinutukoy ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ba ang dahilan kaya hindi niya naisip iwan ang pagiging comedian at mag-crossover sa serious characters?

“Yun ang maganda sa TV, e, you can do both, pero hindi ko iiwan ang comedy.

“Mahal ko yun, mahal na mahal ko ang comedy, lalo pag…pero pag wala na kong napapatawa siguro, baka panahon na para iwan ko comedy, pero sa ngayon masaya pa naman yung tao na napapanood ako.”

Kamakailan ay sinabi ni Paolo na nagkakaproblema ang pelikula nila na makakuha ng cinema slots sa mga sinehan dahil sa title nito.

Ang president ng Mavx Productions na si Mr. Erwin Blanco (at siyang executive producer ng pelikula) ay nagpadala ng statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa controversy na ito: 

"The Cinema Evaluation Board rated Ang Pangarap Kong Holdap as GRADED B and got R16 from MTRCB. I hope this is enough proof that this movie is more than its title. We humbly ask the theatre owners to give us a chance to show this to our fellow Filipinos." 

Ayon sa producers, as of November 26, mayroong 31 na sinehan na ang magpapalabas ng Ang Pangarap Kong Holdap.


Ang Pangarap Kong Holdap stars (L-R) Jerald Napoles, Pepe Herrera, Jelson Bay, and Paolo Contis.

LOYAL KAPUSO

Anim na taon nang main cast member si Paolo ng Bubble Gang ng GMA-7 na 23 years nang umeere.

Sampung taon na si Paolo sa GMA kaya tinanong namin siya kung bakit siya loyal Kapuso lalo ngayon sa panahon na uso ang lipatan?

“Because they’re loyal to me!

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na may mga pinagdaanan ako when I was a Kapuso, during the time na Kapuso ako, diyan nangyari yung mga malulungkot na parte ng buhay ko, but GMA stayed loyal to me and gave me work, and that shows na I should give my loyalty to them as well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagdaanan noon ni Paolo ang isyu diumano ng pagsusugal at problemang pinansiyal. Subalit ngayon, masayang-masaya na ang buhay niya.

“Yes, yes, very!”

Kailan ba ang kasal nila ni LJ Reyes?

“One day, soon, very soon.

“Hopefully by ano…basta pag puwede na, manganganak muna siya sa January, so yun muna pinaghahandaan namin.”

Buntis ngayon si LJ sa una nilang anak ni Paolo.

Parehong magiging tatay sa loob ng ilang buwan ang mag-best friend na Paolo at Dingdong Dantes dahil buntis rin ngayon si Marian Rivera.

Ani Paolo, “Mauuna ako ng konti. Nung isang araw lang napag-usapan namin. Siyempre ninong siya, automatic na yun. Happy lang, kasi yun naman ang gusto namin, e, maging buo yung pamilya namin, iba nga lang yung sitwasyon nung sa akin, pero in God’s time everything will be better.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN