Natutuwa si Kris Bernal sa current GMA-7 teleserye niya na Asawa Ko, Karibal Ko.
Iba raw ang naipapakita niya rito at sa mga kasama rin niyang artista.
Ani Kris, “Happy ako kasi ibang concept ang show namin ngayon at siyempre nasa pang-hapon.
“Alam naman natin ang pang-hapon ng GMA.”
Dagdag pa niya, “nakaka-touch” din daw na si Rayver Cruz ang kasama niya sa show.
“First show niya sa amin and iba nga yung konsepto.
"Pero may time talaga na nakakapagod siya at mahirap siyang intindihin.”
Ganuon din daw ang Impostora, at mas higit pa.
Sa Impostora raw naranasan ni Kris ang pinakamahirap niyang role.
Kaya naman umasa daw siyang makakatanggap ng acting award dito.
“Oo, kasi parang yun na yung kung hindi ko man nakuha sa Little Nanay...
"Kasi sa Little Nanay, puwede rin akong magka-award noon.
“Kakaiba ang role, may intellectual disability tapos itong isa, kakaiba rin ang role.
“First time kong magtaray, maging kontrabida, but then, wala.
Sabi pa ni Kris, “Na-realize ko, ang sarap palang maging kontrabida… ang sarap paglaruan.”
Sabay hirit niya na, “Pero ayoko pang maging kontrabida, ‘wag muna.”
Ayaw na rin raw niyang umasang magka-award para sa bago niyang teleserye.
“Nawala na, feeling ko hindi na,” saad niya, "hindi sa nega ako, ha.
"Pero sa eleven years, ang dami ko namang nagawang role.
"Never naman akong nabigyan ng recognition for a role.
“Itong sa Asawa Ko, Karibal Ko, siyempre bida, iyakin, api-apihan, ilang beses ko na nagawa. Hindi naman ako umaasa na mabibigyan ako.”
Samantala, katatapos lang gawin ni Kris ang pelikulang Kontradiksyon ng Bell Films.
Ito ang first indie movie ni Kris at may kutob siya na baka dito siya mabigyan ng award.
Sambit niya, “Feeling ko kasi kakaiba ang character. Sana... ”
Ang ABS-CBN actor na si Jake Cuenca ang partner ni Kris sa indie film na ito na tumatalakay sa war on drugs.
Marami pa nga raw gusto pang gawin si Kris, “Gusto ko ngang mag-film, gusto kong gumawa ng movies.
“At yun nga, hindi pa ko nakakakuha ng award, gusto kong gumawa ng role na makakakuha ako ng award.
“Dun, puwede kong masabi na ay, graduate na ko,” saad niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa set visit sa last shooting day niya ng pelikulang Kontradiksyon noong November 18.